Chapter 12: Exhausted Days

103 18 11
                                    

KYRINE


Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Noong una, medyo malabo pa ito ngunit unti-unti ay nagiging malinaw. Bumungad sa akin ang puting kisame, puting pader at mga medical machines.


Sa itsura palang, alam ko na kung nasaan ako. Ramdam ko rin ang mga aparatus na nakakabit sa akin ngayon. Nanghihina parin ako.


Nang igala ko ang aking paningin sa kabuoan ng kwarto, napako ito sa isang lalaking nasa tabi ko ngayon. Nakaupo sya sa isang mono block habang natutulog nang nakayupyop sa hospital bed ko habang hawak-hawak ang aking kamay at sa isa ay makapal na libro. Nakauniform pa sya.


Naalimpungatan naman yung lalaki nang bahagya kong igalaw ang kamay ko. Nang makita nya ako, kaagad syang napabangon habang gulat na gulat ang mukha.


"Magandang dilag!" he shouted out of surprise. "Shit! You're awake!"


Dali-dali syang tumayo sa kanyang upuan at mabilis na lumabas ng kwarto para tawagin ang mga nurse. Pinanood ko lang sya at hindi nagsalita. Wala rin akong lakas para magsalita.


Ilang saglit pa, muli syang bumalik sa kwarto ko kasama na ang mga nurse at doktor. May chineck lang sila sa kondisyon ko, mga vitals o kung ano pa man at pagkatapos, saglit lang nila kinausap yung lalaki bago sila umalis.


Muling umupo yung lalaki sa mono block at hinawakan ang kamay kong may dextrose. Kitang-kita ko ang pamumuo ng mga luha sa mata nya. Bahagya pang nakangiti.


"Fuck, Kyrine... I thought you'll gonna leave me forever. I'm so worried." halos mangiyak-ngiyak nitong sabi. "How are you feeling?"


Matagal ko lang syang tinitigan. Hindi ako sumagot. I just stare at his tired looking face.


He has thick brows, long eyelashes, soft lips, pointed nose, flawless skin and hazel brown eyes. Those eyes looked so tired. Parang ilang araw syang walang tulog at may namumuo naring eye bugs sa ilalim ng mata nya. But he still managed to give me a warm smile.


"Ky, takot na takot ako."


Naramdaman ko ang marahang paghaplos ng kanyang hinlalaking daliri sa likod ng kamay ko.


"Akala ko mawawala ka na sa akin." he added.


I tried to open my mouth to speak.


"S-sino ka?"


Halos pabulong lang ang pagkakasabi ko. Hirap akong makapagsalita dahil para akong nanggaling sa mahabang pagtulog.


I stare at him again. Naglaho ang ngiti nito sa kanyang labi at unti-unting binalot ng pagtataka ang kanyang mukha. His tired eyes are like screaming in pain, looking at me so confused.


"K-kyrine, wag naman ganyan."


Paiyak na sya. Naramdaman ko rin ang pagnginig ng kamay nito na nakahawak parin sa kamay ko.

A Knight PerhapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon