KYRINE
"At tinatanggal na kita bilang secretary ng student council."
Natigilan ako sa sunod na sinabi ni lola. Nagpintig ang tenga ko dahil doon. Parang gumuho ang mundo ko. Napalunok nalang ako ng mariin habang pilit na inaasorb ng utak ko ang sinabi nya.
Hindi... hindi maaari.
"N-no, lola. Y-you can't do that!"
"Oh yes, I can Kyrine. And will."
Napailing-iling ako, "Lola naman. Wag ganito! Wag nyo akong tanggalin sa student council... please." pag-mamakaawa ko.
"Look, apo—"
"Please, lola..." hinawakan ko ang kamay nito na nakapatong sa lamesa dahilan para matigilan sya. Seryoso akong tumingin dito, "Promise. I'll make it up to you. I'll fix everything just don't do this. Please, lola. Nagmamakaawa ako." halos mangiyak-ngiyak ko nang pag-aamo dito.
Lola Starmille just shook her head, "No. My desicion is final, Kyrine." tinanggal nito ang pagkakahawak ko sa kamay nya, "I may be your grandmother but I'm also the principal of this school. It will be unfair to those students who also disobey the rules if I'll let this pass just because you're my grand daughter. I'm just being fair. Now, the best thing for you to do is to just learn from your mistakes. Learn how to think the consequences you might get in your actions, Kyrine. You have your brain with you. Use it. It is made for a purpose."
Tumikhim ito at umayos ng pagkakaupo sa kanyang upuan. Ibinalik nito ang kanyang pormal na tindig para gampanan ang pagiging school principal.
"Kunin mo na ang mga gamit mo sa SC office bukas dahil buo na ang desisyon kong alisin ka sa student council. Hindi ka nararapat doon dahil hindi mo kayang gampanan ang pagiging student council officer mo. I'll give your position to someone else who really deserves it. Bukas narin ang start ng suspension mo."
Napapikit nalang ako ng mga mata at bahagya pang tumingala upang pigilan ang sarili ko dahil nagbabadya na talagang tumulo ang aking mga luha.
Di ako pwedeng umiyak ngayon. Dahil pinangako ko sa sarili ko kanina, bago ako makapasok sa principal's office na 'to na hindi ako iiyak at tatanggapin ko nalang ang parusang makukuha ko. Ngunit iba parin kasi talaga kapag nasa akto na. Mahirap magpigil.
Napabuntong hininga nalang ako ng malalim, "P-pwede bang next week nyo nalang ako isuspend?"
Kinapalan ko na ang pagmumukha ko sa puntong 'to. At wala na akong pakialam kung may masabi pa si Lola Starmille sa'kin dahil dito. Let's just say, I'm already desperate.
"P-please?" muli kong binalik ang tingin sa kanya nang magtagumpay ako sa pagpigil ng mga luha ko. I intertwined my fingers with my both hands and lay it on the table, really begging to make lola say yes.
"It's just that—the final exams will start soon, lola. Wala akong maisasagot kung di ako makakapasok sa klase. And I can't failed this semester! Hindi ako makakagraduate. Can I just have this week for discussion? Please? Kahit ito nalang po." puno parin ng pagmamakaawa kong sabi.
BINABASA MO ANG
A Knight Perhaps
RomanceSequel of Not Every Queen Needs A King (Royal Series #2) I was strengthen by love, hope and perspectives in life. It's all the things I hold on to from the very beginning. Everything became so worth it when everything finally fall back into place an...