Chapter 22: Shaking Beliefs

48 4 0
                                    

KYRINE


"Bwiset naman!"


Inis kong binaksak yung cellphone ko sa kama at naghalukipkip ng mga braso. 7 o'clock na ng gabi ngayon at bugnot na bugnot akong nakaupo sa kama ko.


Ba naman kasi! Si Jackson buong hapon nang hindi nagparamdam! Tapos hindi narin nagreply sa chat ko kaninang umaga. Hindi rin matawagan at unattended lagi. Nakakairita!


"Bwiset na lalaking 'to! Sasapakin ko talaga yang mukha mo pagnakita tayo!" pagkausap doon sa picture namin ni Jackson na lockscreen ko sa cellphone. "Arggh! Bakit kasi di ka nagrereply ha?! Para ka namang tanga e! Kainis!"


"Hoy! Kambal! Ano nanaman yang ikinukulo ng dugo mo dyan?! Sino nanaman ang kaaway mo?!"


Kaagad akong napalingon sa lalaking kakapasok lang sa kwarto ko at bumungad sa'kin si Kyrone na bihis na bihis. Nakablack ripped jeans, plain white shirt na pinapatungan ng black leather jacket at nakavans pa sya. Saan naman ang punta ng isang 'to?


"Aalis ka?" kunot-noong tanong ko at napaayos ng upo.


Tinaasan naman nya ako ng isang kilay, "Tanga. Kasama ka!"


"H-ha? Bakit? Saan tayo pupunta?" gago 'to. Ura-uradang nagyayaya! Nakapajama na ako oh!


"Di mo ba nabasa yung chat ni Jallia sa gc natin kanina?" umupo si Kyrone sa gilid ng kama malapit sa'kin, "Namove daw yung party ni Veronica ngayon. Eto talagang babaeng 'to. Tara na! Magbihis ka na. Ang hatdog mo talaga!"


"Aray ko, gago!" inis na hinampas ko yung kamay ni Kyrone nang magsimula syang hilahin ako. "Kambal! Sandali kasi!"


"Ano nanaman?" tumigil sya sa kakahila. "Bilisan mo na!"


"Saang bar daw ba tayo? Hindi ko nakita chat ni gaga e. Namute ko ata yung gc natin nong naglalaro ako ng ml hehe." kinuha yung cellphone ko sa gilid ko, "Iuupdate ko muna saglit si Jackson."


"Pfft! Update-update pa, magbebreak din naman."


"Ang sama talaga ng ugali mo!" binatukan ko sya ng malakas.


"A-aray!"


"Tigilan mo ako Kyrone ha! Porket wala ka lang jowa dyan! Sapakin kita e. Etong malanding baklang 'to!" inis na sigaw ko. "Puro ka ba naman kasi landi. Ayaw naman magcommit!"


Ewan ko ba dito kay Kyrone! Sya yung tipong landi ng landi pero kapag ligawan at commitment na ang usapan, bigla nang aayaw at mangghoghost. Parang tanga.


"Eh ano naman? Atleast hindi ako namomoblema 'no! Ang saya kaya maging single! Try mo." narinig ko syang tumawa, "May nireto sa'kin si Marc Sunset kaso di ko naman type. Masyado kasing easy to get e. Kaya ayun, binigay ko nalang kay Clarrenzo! Ang bait ko diba?"

A Knight PerhapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon