KYRINE
"Maniwala ka sa'kin, kambal. Matatapos din 'to."
Iyan ang paulit-ulit na sinasabi sakin ni Kyrone habang nag-iimpake ako ng mga damit ko. Kausap ko sya sa Skype through my laptop at nakapatong ito sa bedside table habang ang maleta ko ay nasa kama.
Jackson is feeding our dogs down stairs. Kakatapos lang namin kumain ng dinner at ngayon, naghahanda na kami para sa flight namin papuntang Washington bukas.
It's exactly one week now since we had our family lunch. Pinadala na samin nina mommy yung plane ticket namin kahapon at kagaya nga ng sabi ko kanina, tomorrow is our flight around six in the morning.
"Sure ka bang ayaw mong sumama, kambal?" pangungulit ko nanaman kay Kyrone. "Mag-time out ka muna dyan. Stress na stress ka na oh! Mukha ka nang pinagbagsakan ng langit at lupa." then I chuckled.
I heard him sigh. "Bal, I already told you. I can't leave. Lalo na ngayon, 2 weeks nalang bago ang cruise party ng kompanya."
"Oo nga pala..." bahagya nalang akong napatango-tango dahil don. "Eh kamusta na pala kayo ng fiancee mo? I heard from lolo yesterday na—"
"Oo, Kyrine. At ayokong pag-usapan yan ngayon." mariing sabi naman nya habang busy sa pagpipirma ng mga dokyumentong inaasikaso nya.
Nakaharap lang din sa kanya yung laptop and based from his background, mukhang nasa opisina pa sya ngayon kahit gabing-gabi na. He's even wearing a specs at talagang seryoso. Mukhang bad mood din.
Damn. I feel bad for him. Sobra.
"Itext mo nalang ako bukas kapag nasa airport na kayo." muli nya akong nilingon sa screen, "Sorry. Hindi na kita maiihahatid, kambal. May meeting ako bukas."
"Ok lang. Wag mo akong isipin." nginitian ko nalang sya biglang pampaluwag-loob. "Ingat kayo ha? Galingan mo sa kompanya. Kayang-kaya mo yun."
"Thanks, Kyrine."
"Anytime."
Inend ko na ang call pagkatapos non. May gagawin pa daw kasi sya kaya nagpaalam na kami sa isa't isa. Nagpatuloy na ulit ako sa pag-aayos ng mga damit ko at isa-isa na silang inilagay sa maleta.
Yung mga essentials, inilagay ko narin sa isang mini bag para sama-sama na. Inuna ko pa nga yung mga pabango namin ni Jackson e. Yung pomelo perfume ko yung dinala ko.
Bago lang kasi yon at kakabili lang namin ni Jackson nong isang araw. Sya ang pumili nito at gusto nya daw yung amoy ng pomelo para sakin kaya naman bago ko tuluyang ilagay yung yon sa mini bag, naisipan kong magspray muna at amuyin kung mabango nga talaga.
Kaso unang spray ko palang at pagkalanghap na pagkalanghap ko ng amoy, parang biglang bumaliktad yung sikmura ko. Bigla nalang akong naduwal at namalayan ko nalang na sumusuka na ako sa inidoro ng banyo. Anak ng pucha! Bakit naman ganon?!
BINABASA MO ANG
A Knight Perhaps
RomanceSequel of Not Every Queen Needs A King (Royal Series #2) I was strengthen by love, hope and perspectives in life. It's all the things I hold on to from the very beginning. Everything became so worth it when everything finally fall back into place an...
