Chapter 4: Into the Court

215 25 7
                                        

KYRINE


"Oh? Kyrine! Bakit nandyan ka?"


Walang kaemo-emosyong nilingon ko si Jallia na naglalakad ngayon papunta sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses nya. Kasama din nito sina Larrise, Clarrenzo, Kyrone at Marc Sunset.


"Gaga ka. Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap ha? Di mo nabasa text ko? Sabi ko sabay-sabay tayong kumain ngayon sa school gazebo e." dagdag ni Jallia habang nakapamewang pa.


I just shooked my head, "Edi sana di nyo nalang ako hinahanap at kumain na kayo doon. Kaya ko namang kumain ng mag-isa dito e. Makakaalis na kayo. Babye." malamig kong tugon at nag-iwas na sa kanya ng tingin. Muli akong sumubo ng pagkain.


Damn. Stress eating.


"Hay..." narinig ko ang pagbuntong hininga ni Jallia kasabay ng pag-upo nito sa katabi kong upuan. I saw her looked at me intently, "What happened, Kyrine? Anong problema?" tanong nito na syang ikinataas naman ng isang kilay ko. Muli akong napatingin sa kanya, "W-wala. Bakit?" tugon ko rito.


"Naikwento samin ni Kyrone ang mga pinagagagawa mo these past few days." sagot ni Marc Sunset na ngayo'y nakahalukipkip ang mga braso. "Seriously, Ky? Nag-iinom ka na? Kailan ka pa natutong uminom?!" bulyaw pa nito.


"Gosh, girl. Nagrerebelde ka ba?" dagdag naman ni Jallia na ikina-iling ko naman kaagad.


"H-hindi. Ba't ako magrerebelde?"


Nagsi-upuan sina Larrise, Kyrone, Clarrenzo, at Marc Sunset sa ibang upuan na nakapalibot sa lamesang kinalalagyan ko ngayon at doon inilapag ang kani-kanilang mga tray ng pagkain. Pabilog kasi yung lamesa. Gawa ito sa matibay na kahoy na kulay beige at malaki. Sakto lang para sa anim na tao.


Nagtatakang napatingin nalang ako sa kanila nang tuluyan na silang makaupo, "Oh? Ba't kayo umupo dito? Akala ko ba sa gazebo kayo kakain?" tanong ko na ikinailing naman nilang lahat.


"Sabay-sabay na tayong kumain, tibo. Dating gawi. Saka hahayaan ka ba naming kumain ng mag-isa dito?" sagot ni Clarrenzo.


"Kyrine." Napatigil ako nang abutin ni Larrise na nakaupo ngayon sa harapan ko ang kamay kong nakapatong sa mesa, "Ano ba talagang nangyari? Tingnan mo! May sugat at pasa ka nanaman sa kamao. Ano ba ha? Magsabi ka naman. Pakiramdam namin ang layo-layo mo na sa amin e. We're trying to reach you out, Ky. Pero ayaw mo magpaabot. Unti-unti ka nang nagbabago, alam mo ba yun?" mahabang litanya nito.


Napatikhim naman ako dahil doon, "Alam nyo, nag-aaksaya lang kayo ng oras sa'kin e. Mga bregs, you don't need to reach me out." hinila ko pabalik ang kamay kong hinawakan ni Larrise, "I'm fine, ok? I just need space."


Nagulat ako nang biglang hampasin ni Larrise ang lamesa namin gamit ang dalawa nitong kamay na lumikha naman ng nakakaagaw-pansin na ingay sa loob cafeteria. Napatingin tuloy sa amin yung ibang mga estudyante dahil sa ginawa nyang iyon but Larrise seems don't care about it. Matalim lang itong nakatingin sa akin. Napalunok tuloy ako bigla.

A Knight PerhapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon