KYRINE
"Psst, baby! Bangon na!"
"Hmm..."
Kaagad akong nag-iba ng pwesto sa kama nang may maramdaman akong kumulbit sa braso ko. Antok na antok ako at ayoko pang bumangon. Pwede bang 5 minutes pa? Parang ngayon palang lalalim ang tulog ko e! Hays.
"It's already 4am, Ky. Wake up."
"Maaga pa, Marinzale. Mamaya na!" groggy ko namang sabi bago nagtalukbong ng comforter. Bahala sya dyan! Basta ako inaatok pa.
"Tingnan mo 'tong magandang dilag na 'to!" naramdaman kong humiga ulit si Jackson sa tabi ko bago nya tinanggal yung comforter na nakataklob sa'kin. Namalayan ko nalang na yakap-yakap nya na ako mula sa likod, "Gumising ka na, baby. Mag-aayos pa tayo."
"Mag-aayos?"
"It's February 2 today and we have a mountain to climb, remember?"
Doon nagising ang buong diwa ko. Mabilis akong napamulat at nilingon si Jackson na nakayakap parin sa'kin ngayon. He sweetly smiled at me before giving a smack on my lips. Mas nagulantang naman ako dahil doon. Shit! Hindi pa ako nagmumumog! Yawa!
"Happy 4th Anniversary."
Napatakip nalang ako sa bibig ko, "Gago ka talaga, Marinzale! Wala pa akong mumog!" inis na sabi ko. Natawa naman sya dahil doon.
"It's okay, baby. I love morning kisses especially if it's you who I'm going to kiss with. Pakiss pa nga ng isa!" I was caught off guard when Jackson suddenly hold my chin and leaned closer once again.
Just like that, my eyes automatically closed when I felt his lips on mine. It just lasted for a few seconds before I irritatedly push him away. Sinamaan ko nalang sya ng tingin bago ako dali-daling tumakbo papunta sa banyo. Nakakainis naman e! Lintek talaga 'tong si Marinzale! Nakakaasar. Sabi nang wala pa akong mumog!
"Magandang dilag!"
"Ano nanaman?!" inis na sigaw ko mula sa banyo. Nagmumumog na ako ngayon at naghihilamos nang katukin ako ni Jackson.
"Nagluto ako ng umagahan. Sumunod ka nalang sa baba ha? Papakainin ko pa sina Baron e."
"Oo, sige!" sagot ko nalang.
"Okay."
Nagpatuloy na ulit ako sa ginagawa ko pagkatapos non. It's exactly one year now since we lived in this house. Pumayag sina daddy at mommy na magsama na kami ni Jackson sa iisang bahay tutal nasa tamang edad na naman kami ngayon. I guess, my parents really trust me that enough. Saka mas maganda narin daw yung ganito, naghahanda sa pag-aasawa. Pucha. Considered na adulting na talaga ako! Grabe. Ang bilis ng panahon!
BINABASA MO ANG
A Knight Perhaps
RomanceSequel of Not Every Queen Needs A King (Royal Series #2) I was strengthen by love, hope and perspectives in life. It's all the things I hold on to from the very beginning. Everything became so worth it when everything finally fall back into place an...