Chapter 24: The 3rd

62 4 0
                                    

KYRINE


"Arrf! Arrf! Arrf!"


"Baron, shut up!"


Groggy pa ang boses ko nong sumigaw ako. Nagtalukbong ako ng comforter para hindi ako maabala sa pagtulog kaso masyado talagang makulit 'tong pesteng aso na 'to at naramdaman ko pang sumampa sa kama para hilahin yung comforter. Bwiset na yan!


"Arrf! Arrfff!"


"Masyado pang maaga, Baron!" inaantok kong sabi habang nakikipaghilahan sa kanya ng comforter. Badtrip 'tong asong 'to! Dapat talaga sa labas ko na sya pinatulog kagabi e!


"Rwrrr arff!"


"Anak ng pucha!"


Nagulantang ako nang bigla nya akong dinilaan sa mukha. Inis kong pinunasan yung pisnge ko dahil doon at sinamaan pa sya ng tingin.


Kung hindi si kambal ang mambubulabog sa pagtulog ko, etong aso ko naman! Bwiset. Pagbubuhulin ko silang dalawa e!


"Rise and shine kambal! Gising na!"


Hay... eto na nga ba sinasabi ko.


Lumingon ako sa may pintuan nang bigla itong bumukas. Halos masira pa ang pinto ko sa sobrang lakas ng pagkakabukas nya. Pumasok mula doon ang tarantado kong kakambal na nakapajama parin hanggang ngayon at gulo-gulo pa ang buhok na halatang kakagising lang din.


Kaagad ko syang sinamaan ng tingin, "At paano mo nanaman nabuksan ang pintuan ko Kyrone?! Nakalock yan ah! Estranghero ka bang kupal ka?!"


Natawa naman sya dahil doon, "Alam mo ba yung salitang duplicate kambal?"


"Wow! Parang hindi na naubos yang duplicate na yan ah!" sarkastikong sabi ko.


"Syempre! Ako pa ba?"


"Ilang door knob pa ba ang papapalitan ko wag mo lang ako mabulabog, Kyrone?! Pang anim na ata yan e! Bwiset!"


"Kambal, gusto mo bang makakita ng taong nagdadive?"


"H-ha?" bigla akong naguluhan sa sinabi nya. Napakalayo ba naman kasi ng sagot nya sa sinabi ko. The heck?! "Anong dive?!"


"Tingnan mo ako."


Napasigaw ako nang biglang tumalon si Kyrone sa kama ko. Nagising ang buong diwa ko dahil doon at medyo umangat pa ako dahil sa pagkakatalon nya. Sunod-sunod naman na mura ang biglang lumabas sa bibig ko nang simulan nya na akong daganan habang sigaw ng sigaw na bumangon na daw ako. Yawa!


Minsan talaga hindi ko na kailangan ng alarm e. Kaso etong nanggigising naman sa'kin tuwing umaga, mapapatay ko ng wala sa oras. Ba't kasi kailangan pang sumigaw at daganan ako?! May saltik talaga 'tong kakambal ko na 'to e. Walang duda.

A Knight PerhapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon