Chapter 14: Facing Fears

95 17 5
                                        

KYRINE


"Hi, Kyrine! Kamusta?"


"Ayos lang. Salamat."


Nginingitian ko nalang yung mga estudyanteng nadadaanan ko sa hallway. Kanina pa may nagtatanong sa'kin kung ayos na ang pakiramdam ko at karamihan sa kanila, mga kaklase ko.


Hindi ko alam kung paano nila nalaman yung nangyari sa'kin pero sabi nga nila, may pakpak ang balita. Baka sinabi ni Lesley o ni Criza. Hindi ko alam at hindi ko nalang din masyadong inisip.


Sabado ngayon pero may pasok dahil naghahanda kami para sa foundation week next week.


And because it's Saturday today at pwedeng magcivilian ang mga estudyante, I only wore a green and black checkered button down polo shirt patterned with black fitted pants and white sneakers. Suot ko rin ang ID ko at nakaponytail ang mahabang buhok dahil sobrang init.


Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa faculty dala-dala ang tatlong folder ko sa kamay na ipapasa ko na sa mga prof ko. Tapos na ang deadline ng mga 'to pero pinayagan naman nila ako dahil naiintindihan nila ang nangyari sa'kin. May minus nga lang pero ok lang din.


"Sir, eto na po yung akin."


"Oh! Ms. Avirez! Ayos ka na ba?" tanong ni Sir Kiel pagkaabot ko sa kanya nung isa kong folder.


"Yes, sir. Thank you po."


"Good."


Lumabas narin kaagad ako pagkatapos. Naglakad ako pabalik sa gazebo kung saan nakatambay ngayon ang mga kaibigan ko.


Gumagawa sila ng banner doon at kung ano-ano pang mga idedesign sa buong school. Gusto daw nilang tumulong sa SC officers e. Halos lahat ngayon busy kaya tutulong nalang din ako doon. Tutal wala na naman akong masyadong gagawin.


Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa bulsa ng pants ko. Kaagad kong tiningnan iyon at pinagpatuloy ang paglalakad. Napangiti ako nang makita kong nagtext si Jackson.


From: Marinzale panget

Baby! Wer r u? Lunch time na. Kumain ka na ba? Sabay tayo! :)


Kaagad akong nagreply sa kanya.


To: Marinzale panget

Hindi pa. Papunta akong gazebo ngayon. Let's meet there?


From: Marinzale panget

Ok baby ingat ka baka matapilok :3


Napairap nalang ako dahil sa reply nya at mahinang napatawa.


Sira ulo talaga 'to! At hindi ako makapaniwalang boyfriend ko na sya ngayon! What the hell! I was a basher of a crazy lunatic guy before! Anyare sis?! Ginayuma ata ako nitong kupal na 'to e!

A Knight PerhapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon