JACKSON
"Good afternoon Sir Jack! Mabuti at nakadalaw ka ulit dito."
"Is he here?" tanong ko sa bulter ng bahay paglabas ko sa kotse ko, ignoring his greetings. Sya ang bumungad sa'kin at ang ilang mga katulong. Naglakad ako papasok at sumunod naman sya sa'kin.
"Oo, hijo. Kakarating lang din nya."
"Nasaan sya?"
"Nasa taas. Sa opisina nya."
"Ah sige po. Salamat." tinanguhan ko sya at matipid nalang na nginitian, "Di rin ako magtatagal dito, Kuya Jery. Kakausapin ko lang ang magaling kong ama at aalis narin ako kaya di ko na pinark ng maayos yung kotse."
"Walang problema hijo." nginitian nya ako. "Makapag-usap sana kayo ng papa mo ng maayos. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako. Nandon ako sa kusina."
"Maayos? Pfft." napailing ako at sarkastikong napatawa, "Sana nga maayos na pag-uusap 'to, kuya."
Ilang saglit pa, tinalikuran ko na si Kuya Jery at naglakad na paalis. Umakyat ako at nagtungo sa opisina ng tatay ko. Hindi na ako kumatok sa pinto at dali-dali na akong pumasok. I guess, I'll just make this conversation short. Being here in this house makes me feel like being in hell. Ayoko talaga rito. Para akong hindi makahinga.
"Dad." I tried to get his attention.
Nadatnan ko syang nakaupo sa pulang swivel chair nya habang seryosong tinitingnan ang mga papeles na hawak nya. He's still wearing his corporate attire without his neck tie. Napatingin sya sa'kin nang magsalita ako.
"Lloyd." binaba nya ang mga papeles na hawak nya sa desk, "Maupo ka. Mag-uusap tayo."
"Sigurado kang mag-uusap tayo, dad?" I scoffed and scratch the brigde of my nose, "Alam ko namang sesermonan nyo ako. Pinaganda nyo pa."
"Just sit, young man."
Umupo nalang din ako sa upuang nasa harap ng desk nya kagaya ng sabi nya. I rested my back in the chair and looked at him with my emotionless face. I waited him to start our conversation.
The moment dad texted me earlier, alam ko nang may sasabihin nanaman syang hindi maganda e. Lagi naman. Wala nang bago.
"I'll stop supporting you in college."
"W-what?" napakunot ang noo ko sa diretsahang pagkakasabi nya. Ni hindi na sya nagpaligoy-ligoy. "Anong ibig mong sabihin?"
"Since you didn't take Engineering or Corporate Management in your first year college, I guess, I will just let you pursue whatever you want and make you pay for your own tuition fee. I think, paying for your first year is enough, right?"
"What the hell are you saying?!" napataas bigla ang boses ko, "I can't fucking afford my college tuition fee! Saan ako kukuha ng pera pampaaral sa sarili ko?! Mukha ba akong may trabaho?!"
"Then get one."
"You're talking nonsense." I scoffed in disbelief and shooked my head, "Not satisfied in being so selfish huh? You're now being cruel? Wow. So much improvement."
"Kung ayaw mong ikaw ang magbayad ng tuition mo, sumunod ka sa gusto kong mangyari Jackson. Just take a shift. Simpleng-simple." mariin nyang sabi.
"Why are you doing this to me?" napatayo ako sa upuan ko at naiyukom ang mga kamao. "Why are you being so selfish?!"
I angrily hit his wooden desk with my both clenched fist. Lumikha iyon ng malakas na ingay pero nanatiling kalmado ang tatay ko. He let my rants out.
BINABASA MO ANG
A Knight Perhaps
RomanceSequel of Not Every Queen Needs A King (Royal Series #2) I was strengthen by love, hope and perspectives in life. It's all the things I hold on to from the very beginning. Everything became so worth it when everything finally fall back into place an...