Chapter 9: Confusing Minds

116 19 14
                                    

KYRINE


"Basta eto ang tatandaan mo ha? In biology, a phylum is a level of classification or taxonomic rank below kingdom and above class."


Tumango-tango nalang ako sa mga dinidiscuss sa'kin ngayon ni Marinzale kahit na wala akong maintindihan. Kunyari gets ko nalang. Ewan ko ba! Lutang ako e.


Hanggang ngayon kasi, iniisip ko parin kung sinong misteryosong nilalang ang naglagay ng chuckie at nissin waffer sa mesa ko kanina.


I mean, who could that be? At paano nya nalaman na mahilig ako sa chuckie at nissin waffer? Is it okay to conclude that I'm close to that someone? But who?


"Hey! Kyrine, nakikinig ka ba?"


Napatigil sa paglalakad si Marinzale kaya napahinto rin ako at kaagad na napatingin sa kanya.


Nasa school quadrangle kami ngayon. Naglalakad papunta sa car park. Konti nalang ang mga estudyante sa paligid ngayon dahil kanina pa nag-uwian. It's already 4:30pm. 3:30 ang tapos ng klase.


"You're not paying attention, Ky."


"H-hindi ah! Nakikinig ako!"


"What is Phylum in biology then?"


Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko dahil sa tanong nya. Naman e! Kasalanan na bang maging lutang? Malay ko ba kung ano Phylum. Nakakain ba yan?


"Uhmm... next question please."


"Tsk." napairap sya. "See? You're not really listening."


Ibinaba ni Jackson yung hawak-hawak nyang notebook at bahagya pang yumuko para pantayan ang mga mata ko. Napaatras nalang ako sa lapit ng mukha namin sa isa't isa. Langya! Nabibigla ako sa mga gagawin nya e. Tsk.


I nervously smiled, "W-what?"


"You looked bothered, Kyrine. What's the matter? Care to tell?"


"Matter is everything that occupies space and has mass. It has five states such as solid, liquid, gas, plasma and BE condensates."


Nginisian ko si Jackson matapos kong sagutin ang tanong nito na parang ang tali-talino ko dahil alam ko kung ano ang ibig sabihin ng matter. Dinagdagan ko pa ng info yan. Ha! Akala nya ah!


"I told you, I'm listening!" ngiti kong sabi dito. "Ano ba yan! Ang dali ng tanong mo Marinzale. Wala bang mas mahirap? Sisiw lang e!"


Saglit na napatitig sa akin si Marinzale dahil sa sinabi ko. After a few seconds, I heard him chuckled while shooking his head. Napadaiing nalang ako nang bigla nyang pisilin ang pisnge ko.


"A-aray!"


"Hay. Buti nalang talaga mahal na mahal kita, Kyrine."

A Knight PerhapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon