Chapter 15: Promises

72 18 0
                                    

KYRINE


"WE GOT THE S! WE GOT THE T! WE GOT THE A, R, S! WHAT ARE WE?! THE STARS! GO GO STARS!"


Sobrang lakas ng sigawan ngayon sa loob ng court. Kanya-kanyang cheer ang bawat estudyante habang winawagayway nila kanilang mga balloons, banners at flag sa ere. Intense na kasi ang labanan ngayon dahil naghahabulan na ang dalawang magkalabang team sa court. Pati tuloy ako, kinakabahan na!


Third day na ngayon ng foundation week namin. Noong Monday pa nagsimula ang laban ng basketball at ngayong araw na ang labanan for championship.


Nakapasok sa finals ang section namin pati ang section nina Larrise. Last quarter na ng laro at nangunguna ang Sun Team.


"Go Jackson! Kaya mo yan!" sigaw ko habang winawagayway rin sa ere ang banner na ginawa ko para sa kanya kagabi.


Malapit lang ang pwesto namin ngayon sa mismong court kaya tanaw na tanaw namin ang lahat ng nangyayari. Kaya naman nakita ko rin kung paano napangiti ng malapad si Jackson matapos nyang makita ang nakasulat sa banner ko nang saglit syang napatingin sa'kin habang nagdidirible ng bola papunta sa ring nila.


'ANG HOT MO DAW SA COURT KAYA JACK-A NALANG! TA-LLOYD-IN MO SILA! GO MARINZALE! KAYANG-KAYA MO YAN!'


#StarSectionLangMalakas! #TeamMarinzaleHanggangDulo


Oo, nagiging corny na rin ako pero bahala na! Susuportahan ko ang kupal na yon! Section din naman namin ang dinadala nila e. Magtatampo din daw kasi sya sa'kin kapag hindi ako nanood sa laban nila. Napakaarte talaga!


"Tangina bregs! Kailan ka pa naging cheerleader?!" tawang-tawang sabi sa'kin ni Jallia habang tinitingnan ang banner ko. "My gosh! Ang corny mo na! Epekto ba yan ni Jackson?! Ta-Lloyd-in naman e. Ang power ah! Natakot tuloy ang Moon section ko!"


"Inlove ang kaibigan natin e. Hayaan mo na!" sabi naman sa kanya ni Larrise at sabay silang tumawa. Napairap nalang ako at nagmake face sa kanila.


"Gago! Support ko jowa ko e. Bakit ba?" sabi ko nalang. Totoo naman.


"Oo nga! Yun naman ang sinabi namin ah!" tumawa nanaman si Jallia. "Go lang bregs. We wont stop you naman. You rock kaya!"


"Oh? I rock? I'm supper galing naman pala!" pangagaya ko sa kaconyohan nya.


Napailing-iling nalang ako at ibinaba na muna saglit yung hawak kong banner. Bahagya kong siniko si Larrise nang may matanaw akong pamilyar na lalaki na naglalaro din sa court.


"Oh gaga! Yung bebe mo!"


Tinuro ko yung isang basketball player na kalaban nina Jackson. Si Claide. Yung babaerong pacute na varsity player na nakausap ko dati tungkol sa motor ko kasama yung isang kaibigan nya na si Gillven.


Kaklase pala yun ni Larrise at nabalitaan ko ring pinopormahan nya ang tropa ko. Sana nga magtagumpay sya! Because knowing Larrise? Future Attorney yang gagang yan! Palaban at ang hirap abutin. Ang misteryoso pa minsan. Nakakatakot.

A Knight PerhapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon