039

1K 67 110
                                        


"HYUNG!!!!"

Napafacepalm ako.

Pang-ilang beses na bang nangyari ito? Hindi talaga nahihiya ang mga ito sa akin, eh, no? Leader nila ako! Leader!

"Ano na naman?!," galit kong tanong.

Nagrireview ako, eh! May quiz kami sa next class at di ako exempted dahil Math yun at di sakop nang mga subjects na kontrolado ni Lee Jihoon. Math! Isang MATHinong subject pero nakakawala nang katinuan!

He jumped on me and held both my shoulders. Niyugyog niya ako at nanlalaki ang mga matang ginagawa iyon.
"Hyung!," he repeated.

"ANO NGA?!," highblood kong sigaw pabalik. Highblood talaga!

"Hyung!"

"Abugh! Putang—"

"Nakidnap si Lee Jihoon!"

"Nakidnap! Siyempre bata yun! Bakit may naadultnap na ba?! Nakidnap lang pala—Nakidnap si My Ji?!"

Nanlaki ang mga mata naman pareho. Pero yung mukha ko ay agad na namula nang marealize ko kung anong sinabi ko. Gahd!

Pero mukha namang hindi niya napansin dahil yung hitsura niya kanina ay hitsura pa rin niya ngayon. So, I ignored it. At nagconcentrate ako sa bagay na sinabi niya.

Nakidnap si Lee Jihoon. Syet.

"Eh, hyung, nagkakagulo na sa buong school. Hindi naman ako ganito kaninang sinabi ni Seokmin, eh! Pero bigla kasing nataranta yung mga nakakarinig kaya nahawa na ako. Nawawala si Lee Jihoon! Gahd! Huwag naman po sana nilang saktan ang masungit at kyowt na demonyitong President namin! Sayang naman yung mga future libre kung naging sila nang leadernim namin," parang naiiyak na dalangin niya.

Gusto ko sanang taasan nang kilay yung last sentence niya pero yung thought na nakidnap si Ji ang nangingibabaw sa utak ko ngayon.

Mabilis akong lumabas nang clubroom at dumiretso kay Lee Seokmin na nakita kong kapapasok lang nang clubroom nila. Nang buksan ko ang pintuan ay tumambad sa akin ang umiiyak na Jeonghan, Kookie na pinapatahan ni V, Seungkwan na ngumangawa at si DK na parang maiiyak na rin.

"Nasaan si Lee Jihoon?," tanong ko sa kanila.

Napatingin sila sa akin. Mas lalong naiyak ang mga umiiyak at sumimangot ang mga nakasimangot na. Kinabahan tuloy ako. Letse.

"NASAAN SI LEE JIHOON?!," pasigaw na ulit ko sa tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit, pero biglang nanginig ang mga kamay ko habang hinihintay ang mga sagot nila. Natatakot yata ako sa posibleng mangyari sa maliit at malanding manliligaw ko.

"W-Wala pa nga, eh. Tatlong oras na siyang nawawala. Nang icheck namin ang CCTVs, may tumangay nga sa kanya. Lalaking nakablack, nakacap at nakabackpack," Seungkwan answered.

Nagsalubong ang mga kilay ko at inintinding mabuti ang sinabi nila. Lalaki ang nangidnap sa kanya? Kingina lang?

"Di ba siya marunong lumaban? At hinayaan niyang kidnapin siya?," nagpipigil nang mga emosyong tanong ko.

They all shrugged and answered.
"Marunong. Black belter yun, eh! Pero malandi si Ji, malay mo gwapo yung nangidnap kaya di nanlaban. O kaya kilala naman niya," Jeonghan said.

I frowned. Di ko yata nagugustuhan ang opinyon na iyon.
Alam kong malandi siya, pero di ko alam na ganun siya kalandi para magpakidnap sa isang gwapo.  At saka, ang sabi niya sa akin, ako lang ang gwapo sa paningin niya!

otornim • jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon