084

926 62 40
                                        


"ALL SVT Organization members, please proceed to the gymnasium for an announcement. I repeat, all SVT Organization members, please proceed to the gymnasium for an announcement. Thank you."

Tinatamad na lumabas ako ng room. Wala na ang mga kasama ko dahil nauna na sila. Nagpaiwan lang ako saglit dahil feel ko ang magpalate ngayon. I mean, feel ko magrebelde kay Lee Jihoon.

Ni hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko dahil nakatutok lang ang mga mata ko sa screen ng phone ko. I am reading Wattpad at naghahanap ng mga advices. Mababaliw na kasi ako kapag wala pang nagbigay sa akin ng maganda at posibleng advice. Pinaglololoko na ako ng mga members ng club, eh.


Ways to Move On? Letse, bakit naman ako magmumove on? Lol, lang.

Ways in Making Decision for Love. I'm not even in love.

Ways to Get His Attention. Papansin lang?


"Things to do on how to get rid of your karibal."

Napapitlag ako at napaatras. Gulat na gulat akong napatingin sa nagbasa ng nasa screen ng phone ko. And believe me, wala ng mas nakakagulat pa sa biglaang pagtakbo palayo ng puso ko papunta sa kanya.


"Ji!," I exclaimed.

Tumaas ang isang kilay niya. He grinned at me. "Nagbabasa ka ng ganyan? Bakit, may karibal ka ba sa girlfriend mo?," tanong niya.


Mabilis akong umiling. Inilagay ko sa dibdib ko ang phone para itago iyon at para na rin pakalmahin ang didbib kong nagsusumigaw na naman sa kaba.
"W-Wala. Para lang ito sa new story ko," deny ko.

He raised another brow before he chuckled. Itinuro niya ang mukha ko at amused na tinitigan ako.
"You look cute when you are blushing, Seungcheol," he praised.

Mas lalo yatang nag-init ang mga pisngi ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Letse. Bakit nandito siya? Diba dapat nauna siya sa hall kasi siya ang presidente ng Vocal Club at ang founder ng SVT Org?


"W-What are you doing here? Di ba nasa gym ka na dapat?," tanong ko. Iniiwasan ko pa rin ang mga mata niya kaya hindi ko alam ang reaksiyon niya.

"Bakit ikaw, you should be there already pero nandito ka pa rin."

I gulped.
Para diretso sa nagsasalita agad ang atensyon ko at hindi sa kalandian niyo ng manliligaw mo. Gets mo?
"May ginawa pa kasi ako saglit sa loob. At saka hindi pa naman nagsisimula, diba?"

I glanced at him. Curious siyang nakatingin sa akin at parang may malalim siyang iniisip.
"Hindi pa nga. Pero maganda kasi ang announcement ngayon kaya dapat excited kang pumunta," he said.

I frowned. "Anong announcement?," tanong ko.

He smiled at me. Nagulat na naman ako ng tapikin niya ang braso ko bago hawakan ang kamay ko. He pulled me towards the gym's way.
"Basta."

Habang naglalakad ay napapatingin lang ako sa mga kamay naming magkahawak. Yung isang kamay kong nakahawak ng phone ay nasa dibdib ko pa rin at pinapakiramdaman ang pagsabog ng mga hugis pusong fireworks sa loob. Imagination, damn.

Napatingin naman ako sa mukha niya. My heart swelled when I saw how those lips of him stretched for a happy and sweet smile. Mukhang tuwang tuwa siya at nag-eenjoy. Hindi ko rin tuloy maiwasang mapangiti na rin ng maluwang. I gripped his hand back at nakisabay na rin sa pagtakbo niya.

Enjoy it while it doesn't last.













THANKS, God, that happened.

I sighed.
Thank you talaga. Dahil kung hindi ko lang naaalala yung nangyari kanina, siguradong badtrip na badtrip na naman ako ngayon. Why? Dahil magkatabi na naman sila ng manliligaw niya at magkaakbayan pa.

"Uuwi na yata ako. Sabihin niyo na lang sa akin yung announcement, mga hyung," bulong ni Dino.

I frowned at him. Inakbayan ko siya at hineadlock. "Hindi pwede. Dito ka lang, walang madaya," bulong ko din.


He pouted. Pero nginisihan ko lang siya. Sabay pa kaming napatingin sa stage nang pinaakyat na si Ji para magsalita.

Kung kanina ay nakangiti siya, ngayon naman ay seryoso siya at mukhang wala na naman sa mood. Marahil ay dahil maingay na naman ang mga nasasakupan niya. Tsk. Tsk.


"Good morning, everyone. I know this is a sudden and unexpected meeting. And I wanted to say sorry for that. Anyway, para matapos na rin ito agad at makapaghanda na kayo, sisimulan ko na," he paused. He looked at everyone at us, then, he continued, "The school's heads and deans approved my request of organization vacation. And every club in the house are allowed to attend. Since there are only three clubs and ten members each, everybody is allowed to attend. The setting is at MarTalita Resort, Busan. It was for a whole week. And for the additional information go infront of my office at Student's Council. The requirements, waivers and things to bring are all there," he said.

Everyone shouted in joy. Napangiti din ako at napa"Yes!". Na agad ko din namang binawi ng magsink in sa akin na pagkakataon ni Kwon Soonyoung yun para landiin ng todo todo si Jihoon. Panira, asar.


"Hindi ako pup—"

Tiningnan ko ng masama si Lee Chan. Hinigpitan ko ang kapit ko sa leeg niya. "Pupunta ka. Dahil kakailanganin kita dun," I told him.

He scowled. Magsasalita sana siya pero nagsalita naman ulit si Jihoon sa stage.


"And I forgot something. This vacation is not a vacation at all. We will be doing activities and workshops at a given schedule. There are rules and regulations I made so that no one will do wrong. But I'll give everyone the last two days for doing more fun things and enjoy the vacation. That's all, thank you."


Please bring that "NO FLIRTS ALLOWED" rule, babe.

-

otornim • jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon