055

894 58 24
                                    


INIRAPAN ko siya.

Mukha niya, GWAPO. Pero kahit sampung oras pa siyang umupo diyan at titigan ako, di ko siya papansinin. Naiinis ako sa kanya.

"May LQ kayo? Ang sama nang tingin mo sa kanya, ah," pansin ni Yoon Jeonghan.

I scrunched my nose and kept my arms on my chest. Di ko maiwasang patalimin ang mga mata ko sa inis.

"Basta, naiinis ako sa kanya. Huwag na huwag siyang lalapit sa akin," sagot ko.

Tiningnan niya si Seungcheol pagkatapos ay bumaling siya sa akin. Nagpalipat-lipat ang tinhin niya sa aming dalawa bagi siya napabuntong hininga.

"Pero kawawa naman yung tao, oh. Di pa yan naglalunch for sure. Tatlong oras na yan diyan at kanina ka pa pinapanood. Di ka ba naaawa?"


I glanced at My Cheol's way. Nakapatong ang baba niya sa mga kamay niyang nakafold naman sa table. Nakasimangot na siya pero sa akin pa rin siya nakatingin. Naawa naman ako, letse.

Pero no way. Minsan ko na nga lang maganyan si Choi Seungcheol. Medyo patatagalin ko pa, kahit konti pa.

"Pres, may customer, ikaw na magserve," bulong ni Kwan. Pagkatapos ay mabilis siyang naglakad papasok sa loob nang kitchen sa kabilang tent.


I sighed.
Bakit Pres? Leadernim ako ngayon! Hindi naman ito booth nang Student Council, eh. :(

Mabilis akong lumapit sa bagong dating na lalaki. Nakacap siya nang black at tshirt na white. Nakasuot siya nang isang pamilyar na backpack. Nakayuko siya at parang nagtatago. Tumaas ang isang kilay ko.

Anong ginagawa nito dito?


Pabagsak kong inilapag sa table niya ang menu namin. Umangat ang paningin niya at bakas doon ang tuwa nang makita ako.

"Hoy, bakit nandito ka na naman?," asar na tanong ko.

Akala niya nakalimutan ko na ang ginawa niyang pagdukot sa akin nang may sakit ako? Hindi ko yun makakalimutan dahil for the nth time, hinalikan na naman niya ako just for greetings!

He smiled at me. Hinila niya ako paupo sa tabi niya. At parang hokageng nakahawak na siya agad sa kamay ko at pinipisil iyon.

"Bawal ka bang bisitahin, Jiji?," he asked.

Tiningnan ko siya nang masama. Pero hindi ko hinila ang kamay ko.
Ayoko nga, ang sarap kaya nang pakiramdam. Ang lambot nang mga palad niya at mabango pa. Di tulad nang kay Seungcheol na mabango nga, magaspang naman. Tsk. Naiinis pa rin ako sa kanya.


"Hindi naman, eh. Pero sure akong hindi ako ang binibisita mo dito tulad nang dati. May bago kang subject ngayon, no?," naniningkit ang mga matang tanong ko.

He blushed. Pero hindi naman nag-iwas nang tingin. At di rin nagsinungaling. Honest yan.
"How did you know?"

l
Nginitian ko siya nang matamis. Pagkatapos yun ay napangisi ako. Hinawakan ko din ang kamay niya.
"Dahil kung bibisitahin mo ako sa school, ay para manggulat lang tulad nang ginawa mo last time, kinidnap mo ako. Pero lagi na kitang nakikitang pakalat-kalat diyan, eh. At di mo ako binibisita sa bahay. Ibig sabihin, may nakita kang interesanteng ibang tao sa school kaya ka laging nandito," paliwanag ko.


He pouted. Hindi na siya nagsalita pa. Hinablot na lang niya ang menu at hinawakan iyon gamit ang isang kamay dahil nakahawak pa rin siya sa kamay ko.


"What's your main dish?," he asked.

I rolled my eyes. "Hindi ito fine-dining, boi."

He chuckled. "I'm just kidding. Ikaw na lang ang umorder sa akin. Make sure na kaya kong kainin, okay?," he requested.


I pouted. Sasagot sana ako nang maramdaman kong may kumalbit sa akin. I raised my head and I was met by Yoon Jeonghan's worried face. Kagat-kagat niya ang labi habang nakatingin sa akin.

"What?," I asked.

I saw him crossed his fingers, so I frowned. "L-Leader, tumayo ka na diyan," he whispered.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Inuutusan mo ba ako, Yoon Jeonghan?"



Mabilis siyang umiling. He glanced over  towards Seungcheol's way kaya napatingin ako doon. Wala naman siya. Bumalik ang tingin ko kay Jeonghan, my brows raised. He gulped.
"Hyung, bumalik ka na kay Seungcheol," halos pabulong niyang sagot.

"At bakit?"


He bit his lips again. Lumibot ang mga mata niya sa paligid na siya namang sinundan ko. May mga napapatingin pala sa gawi ko at di ko maipaliwanag ang mga hitsura nila. I gave Jeonghan a glare when he didn't answer.

Anong meron?

He descended his face towards mine to whisper in my ear.















"Letse, Lee Jihoon. Layuan mo ang lalaking yan. Muntik nang nag-eskandalo si Seungcheol kung hindi ko lang siya naipahila sa mga club mates natin agad. Takte, nagseselos yata ang mokong."

Ha? Ano daw?

-

otornim • jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon