038

882 58 9
                                    


"AHHHHHHHHH!!!!"

Napatingin lahat sa gawi ni Lee Seokmin. Naghihysteria na siya at sobrang natataranta. Takbo nang takbo kung saan saan at paikot-ikot. Lalabas-papasok sa Student Council Room at Vocal Club Room. He was shouting and asking at everyone he meets in his way.

"Ano bang nangyayari?," tanong ni Kim Mingyu nang makasalubong ang lalaki.

But Lee DK didn't answer at parang tangang lingon nang lingon sa paligid. Halata ang takot at taranta sa mga mata nito. At mukha na itong mamamatay sa kunsumisyon.

Letse. Nababaliw na yata.

Naasar na sinigawan ito ni Mingyu. "Ano bang problema mo?! Ha?!"

Natigilan si Seokmin. Pero saglit lang iyon dahil nanlalaki na naman ang nga mata nito.

"Putangina kasi! Nawawala si Jihoon! Nawawala si Jihoon!," sagot niya.

"Paano mawawala yun?"

"Ganito kasi. Iniwan ko siya sa room kanina tapos pagbalik ko ay wala na siya! Pero nakita kong may bumukas ang likurang pinto at may lalaking humihila sa kanya! Nang aninagin ko, hindi ko makilala! Sinigawan ko pa at hinabol, pero hindi ko sila naabutan! Kinidnap si President Ji, Mingyu! Nakidnap!"


Napakunot noo si Kim Mingyu.
"Nakidnap si President Ji? Wow, ang galing naman. May naglakas loob na gawin yun! Nakakaproud!"

Wala na. Sira na rin ito. Hohoho! Anyway, sinong nangidnap kay President Ji?

otornim • jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon