046

1K 57 63
                                    


"HOY, gumising ka na."

Sinundot-sundot ko ang pisngi niya. But he didn't even move. Napabuntong-hininga at tinitigan siya.

Tama nga ang hinala ng lahat. May dengue siya. Muntik na rin pala niyang ikinamatay, buti na lang ay masamang damo ang kyut na ito kaya di natuluyan. Makukunsumisyon pa ako kung sakali mang nangyari iyon.

Pinitik ko nang mahina ang ilong niyang maliit at kyut. Napangiti ako nang mamula iyon.

Letse, ang kyut kyut niya pala talaga. Hay!

Mukha siyang bata kapag tulog. Pero kahit nasa ganitong sitwasyon siya, magkasalubong pa rin ang mga kilay niya at mukha siyang masungit. Pero kyut talaga siya, wala nang kokontra. Hindi na matatanggal ang deskripsiyon niyang yun.

Nakakakabog nga rin nang puso ang kainosentihan niya ngayon. At malaking problema iyon. Nababaliw na yata ako.

Nangalumbaba ako at tinitigan siya nang mabuti.
"You are really different, My J—Lee Jihoon kasi yun."

Halos mapapitlag ako nang may humawak sa kamay ko.
"Kinikilig ako, My Cheol. Masarap akong titigan, diba?"

Napaatras ako sa pagbuka nang bibig niya. Agad na nag-init ang mga pisngi ko. Nang magmulat siya nang mga mata ay mas lalo akong namula. Shit!

"My J—"

"At tinawag mo akong MyJi. Gahd! You are improving, Choi Seungcheol. Hihihihi," he giggled. Cute.

Napatikhim ako at tiningnan siya nang masama. Kunwari ay naiinis ako kahit na sa loob loob ko magulo at nahihiya talaga ako.
"Nagawa mo pang manlandi. Nakaratay ka na nga diyan. At saka ikaw lang ba ang may karapatang gumamit nang endearment na yun? Ang sabi mo yun ang CS natin sa isa't isa."

Pigil na pigil ko ang pagkawala nang protesta sa tono ko. Ano bang sinasabi ko? Putangina, Seungcheol. Napangiti naman siya lalo. His face brightened and his lips pinkened a little.

"Kinikilig talaga ako. Syet naman kasi, Seungcheol. Hindi ko naman ipinagdadamot ang CS na yun. At saka para sa ating dalawa naman talaga yun, eh. Pwede mong gamitin sa akin," he said, still smiling. His cheeks puffing a little and his eyes sinking in his lids. His smile is making him cuter than ever.

At di ko maiwasang mapatitig sa ngiting yun. Minsan lang ito, susulitin ko na. Wala kasing halong landi ang ngiti niya, purong saya lang iyon.

Tsk. Siya lang yata ang nasa ospital na nakakangiti nang ganyan. Hayan na nga, muntik nang namatay. Malala na talaga siya. At mukhang nahawa yata ako. Letse.

"Tigilan mo na nga ang paglandi sa akin. Hindi talaga pwede—"

"Dahil may girlfriend ka? Alam ko na yan. Wala pa naman siya, edi, lalandiin pa rin kita. Saka na ako titigil kapag nakilala ko na siya. Okay ba?," he asked while moving his brows. Still, a faint smile is visible in his eyes.

Napakagandang umapela. Pero hindi ko magawa. Para bang pumipigil sa akin. Parang gusto kong hayaan na muna siya sa mga gusto niyang gawin. Parang okay lang muna sa akin ang pakikipag-go to flow sa mga ginagawa niya.

I kept staring at him. Then, I blew a deep sigh.
"Fine. Pero huwag kang umasa na magkakagusto din ako sayo. Huwag ka ding mag-a-assume nang mga bagay-bagay. Sasakyan lang kita minsan pero walang ibig sabihin yun, okay? Ayokong masisi mo ako kapag nasaktan ka," I warned him.

He beamed a very genuine smile. "Oo naman! Basta sasakyan mo ang mga trip ko," he excitedly said.

Napangiti na rin ako. Tumango tango ako sa kanya.
Why did I say it? Why did I agree with him? Di ko alam kung bakit. Kahit na alam kong may pinag-usapan kami, he'll still assume, he'll fall and he'll get hurt in the future.

But what made me say that?

-

otornim • jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon