065

1K 64 125
                                    


"HYUNGGGG!!"

Alam mo yung feeling kapag araw-araw ay ganyan ang pambungad sayo? Tapos laging may kasunod na bad news o di naman gaanong kagandahang good news? Tsk.

"Ano?!," pasigaw kong sagot.

Ang madaldal na Mingyu ang bilis naupo sa upuan sa harapan ko at saka ako niyugyog.
"Hyung!," he called again.

Tiningnan ko siya ng masama at pasigaw ulit nagtanong.
"Ano nga?!"

Pabagsak niyang isinandal ang likuran niya sa upuan. Itinaas niya ang mga kamay niya sabay sabing, "Best Accomodating Booth tayo!"

I rolled my eyes. Binatukan ko siya at saka ako lumayo sa kanya. "Gago, di naman yun ang pinakamataas, eh! Balitaan mo ako kung interesante ang ibabalita mo, tsk. Balik ka doon at maghagilap nang magaganda at may kwentang bagay!"


"May boyfriend na din pala si Lee Jihoon."

"H-Ha?"

Akala ko nang-aasar siya pero hindi naman siya ngumisi. Seryoso ang mukha niya at parang hindi siya natuwa sa sinabi niya. He crossed his legs and folded his arms on his chest.

"Sorry. Inuna ko lang ang good news," he said. "So yotoo yun, hyung?"

Nag-iwas ako nang tingin at nagkibit-balikat. "Malay ko. And it's not a bad nor a good news, Gyu. Wala namang kinalaman sa akin yan, eh."

Tinitigan niya akong mabuti. Para hindi mapagdudahan ay nakipagtitigan din ako sa kanya. Nakipagtagisan ako nang tingin at tapang. Letse. Ilang minuto ang dumaan bago siya biglang natawa. Napakunot noo ako nang ituro niya ako.
"You lied," he stated.

I scowled. "No. I didn't lie!"

Tumawa ulit siya. "Ang denial mo, hyung. Anyway, balak ko sanang dagdagan ang kabadtrip-an mo sa buhay," then, he grinned. "Alam mo ba kung bakit ko nasabing boyfriend niya ang lalaking iyon?"

I shook my head and answered, "You don't need to tell me. Wala naman akong pakialam doon. At may hinala din akong bf niya yun. Nagkiss nga sila sa booth, eh."


That sounded bitter in my taste buds. And a p music in the ears. Sirang sira ang eardrums ko dahil ang lakas nang impact nang mga salitang yun. Sumama tuloy lalo ang timpla ko.


"HUWATTT?! Nakita mo talaga? Harap-harapan silang nagkiss—"

"At naglandian. Nakapiggyback ride pa siya sa Josung na yun habang nag-iikot sa school. Di na nahiya—"

"Ha?! Nakeri mo yun? Hindi ka man lang nagviolent reaction? Nagalit? Nagwala? Nainis? Nagselos?! Ahm, and FYI, hyung, hindi yun Josung, Jisoo kasi yun."

I glared at him. Kumuyom ang mga nakatago kong mga kamay sa ilalim nang lamesa ko.

Violent reaction? Violent reaction ba yung pagputol sa dulo nang lapis? Nagalit? Yung masakit sa dibdib na inis? Nainis? Napagalitan ko si Elyza dahil sa inis ko dahil ang ingay ingay niya. Nagselos? Paanong nagselos?

I cursed silently. Pinakiramdaman ko ang puso ko. Gusto ko siyang makita!, sigaw niya sa loob. Pero hindi ko naman alam kung sinong tinutukoy niya.
Si girlfriend siguro.


"Wala. I am with my girlfriend that time, Kim Mingyu,."

He scrunched his nose. Parang nainis pa siya sa ideyang kasama ko nga ang girlfriend ko that time. Nagdadabog na tumayo siya.

"Kaya siguro wala kang reaksiyon. Tinago mo, no? Dahil ayaw mong malaman niyang naugnay ka kay President at ngayon ay nagugustuhan mo na rin siya," he said. "Napag-isip-isip mo na ba, hyung? Kung ano talaga ang gusto mo? Rather, sino?," he asked.

otornim • jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon