049

932 58 23
                                    


"KAGAT ba nang lamok yan?"

Napahawak ako sa leeg ko, the part he pointed. Natatawang naiiling ako. Paano ko ba sasabihin ka hinalikan ito ni Lee Jihoon?

"Hyung, ang saya mo yata. Nagkakahinala na ako," Vernon said.

Nginitian ko siya. Bumalik ako sa pagcocompose nang ipopost ko sa Wattpad. At di na sila binigyan pa nang pansin. Ang kaso, makulit sila eh.

Naramdaman kong tinusok ni Jeon Wonwoo ang leeg ko. Agad akong napaiwas at gulat na napatingin sa kanya. He was grinning widely at talagang nakakaloko ang tinging ibinabato niya sa akin.

"That's a hickey, hyung," he said.

Nag-init agad ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Mabilis akong nag-iwas nang tingin. Nakakahiya. Tinakpan ko iyon at saka nagdeny.
"Hindi, ah. Kagat lang yan nang isang maliit—

"—at kyut na demonyito," putol ni Vernon sa sinasabi ko.

Tiningnan ko sila nang masama.
"Kagat lang ito nang langgam—"

"—na may kyut na height at mukha," putol ni Mingyu.


I scowled at them. Naiinis akong sumubsob sa table ko para maiwasan ang mga akusasyon nilang totoo naman. Pero diba nga, tandem ang tatlong ito pagdating sa pang-aasar sa akin.


"Kinikilig ako, hyung. Nagmake out kayo ni Pres?," tanong ni Mingyu.

Di ako sumagot. Di ako gumalaw. No way. They are teasing me. Bakit ko naman ipapakita ang namumula kong mukha?


"Uyy! Sabi na nga ba, may HD ka kay President Ji! Hohoho!," Jeon Wonwoo shouted.

Then, nagpatuloy na sila sa pagsasalita. At nakakainis na ang mga sumunod na sinabi nila.


"Pero akala ko ba ayaw mo sa lalaki? Bakit ka nagpalagay nang hickey?"

"Oo nga. Diba may girlfriend ka?"

"Gahd, hyung! Bakla ka na ba?"

"O baka parte din yan nang plano mong paasahin si Lee Jihoon? Sineryoso mo yata talaga yung suggestion ko. Pwede mo nang bawiin. Naging mabait naman na siya sayo diba? Pero pwede mo namang ipagpatuloy. Paaasahin mo pa—"

Umangat ang ulo ko. I glared at Kim Mingyu dahil hindi ko na nagugustuhan ang sinasabi niya.
"Leave me alone."

Mukhang nagulat sila sa dilim nang tingin ko, at pati na rin ang pagdaan nang inis sa boses ko. Napatayo pa sila at mabilis na nag-iwas nang tingin.

"S-Sabi nga namin. Tara na boys, fest na bukas. Ayusin na natin yung booth."

Nagsitanguan sila at mabilis na nagsilabasan nang room. Napabuntong-hininga naman ako nang malalim. Naiinis na isinubsob ko ulit ang mukha ko sa upuan.

Letse. Straight pala ako. Ayoko sa lalaki. At may girlfriend pa pala ako. Bakit ko ba nakalimutan yun?

-
Ran

otornim • jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon