NAKAKUNOT ang noong nakatitig ako kay Choi Hansol.Asan si Choi Seungcheol? Ito na ang pangatlong araw na hindi siya umattend ng meeting. Lagi na lang siyang may representative.
Naiinis ako, siyempre. Ganun na ba talaga niya gustong lumayo sa akin para iwasan ako nang todo-todo? At di pa talaga nagpapakita sa akin kahit dito lang sa school! At tatlong araw na nga siyang nagtatago! As in, wala! Walang Choi Seungcheol na nagagawi man lang sa mga pinupuntahan ko!
Ayaw ko namang magtanong. Nahihiya ako konti, eh. Alam kong alam nilang iniiwasan ko din si Cheol, eh. :((
Pero hindi ko din naman siya matitiis. Kung tinotopak nga ako, papatayin ko data o wifi ko, at saka ako magsesend nang messages sa messenger na binubura ko din naman agad. Eh, sa namimiss ko, eh. :((
Gustong gusto ko nang malaman kung ano nang nangyari sa kanya.
"Pres, okay ka lang ba?"
Napatingin ako sa nagsasalita. It was Wen Junhui of the performance club. He was reporting the current problems in their club including their subclubs. Hindi ko naman gaanong nagegets pero medyo okay lang naman yata sila kaya tinanguan ko na lang.
He shrugged and sat on his chair. Nangalumbaba naman ako sa table at sumimangot.
"This boring meeting is adjourned. You may leave, now," utos ko sa kanila.
They all stood. Maliban kay Lee Seokmin na nakatayo lang sa likuran ko at ang malanding si JijiJo na nakaupo naman sa tabi ko. Nakatitig lang ako sa paalis ding si Vernon at nagdedesisyon na rin. Nagdedesisyon kung ibablackmail ko ba ang lalaking yan para sabihin sa akin kung anong meron sa club leader nila.
At habang nakatingin ako sa kanya ay napag-isip-isip ko, gusto kong makita ang Seungcheol ko.
"DK," I called.
Lumapit si Seokmin sa akin. "President Ji?"
Itinuro ko si Hansol na nasa hulihan nang mga lumalabas. "Harangin mo yan," utos ko sa kanya.
He nodded. He quickly walked towards Choi Hansol at pinigilan ito sa braso. Mukhang nagulat naman yung isa at kitang kita ko pa ang pamumutla niya nang may sinabi si DK sa kanya. Napatingin siya sa akin at napalunok.
Takot nga pala ito sa akin. Tsk.
I gestured him to come to me. He hesitated at first. Pero nang panlakihan ko na siya nang mga mata ay mabilis pa sa hangin na nakarating siya sa harapan ko. Tuwid na tuwid pa ang pagkakatayo niya, pero malikot naman ang mga mata niya. I smirked.
"Choi Hansol."
He paled more. "President Ji, bakit po?," kind niyang tanong.
I gave him a threatening smile. Inihiga ko ang ulo ko sa table at saka tiningnan siya nang masama.
"Where is he?," I harshly asked.He fidgeted. "S-Sino?," painosente niyang sagot.
I glared at him. Umayos ako nang pagkakahiga ko sa table para mas makita ko nang mabuti ang mukha niya.
"Kilala mo siya."He swallowed, thrice. Mula sa peripheral vision ko ay kita ko ang pagngisi ni JijiJo at DK. I rolled my eyes and stopped myself from grinning too. Nakaka-amuse kasi ang itsura niya.
"Si Seungcheol hyung po ba?," kinakabahang tanong niya.
"Uhuh."
Napakagat-labi siya. "Absent pa po siya," he said.
BINABASA MO ANG
otornim • jicheol
Short StoryOTORNIM "In which a reader fell in love with a Wattpad author."