042

881 58 23
                                    


NARINIG kong bumukas ang pinto.

"Seok?," tanong ko.

I heard him sigh. "Hyung, masama pa rin ba ang pakiramdam mo?," he asked worriedly.

I fell silent. Naramdaman kong umupo siya sa kama ko at saka inayos ang hinihigaan ko. Hindi ako gumalaw at sumiksik lang sa unan at loob nang kumot.

"Sino ba yung kumatok? Si Seungcheol ba? Nandito na ba siya?," umaasang tanong ko.

Natahimik siya. Natahimik din ako. Letse naman, eh. Naramdaman kong nangilid ang mga luha ko at lalong sumakit ang ulo ko. Mas tumaas ang temperatura nang katawan ko at di ko maiwasang mapaungol.


"Hyung, ayaw mo ba talagang magpadala sa ospital? Tatlong araw ka nang ganyan. Alalang alala na ako," he said.

Napakagat-labi ako. Tahimik akong napahikbi at di ko maiwasang umiyak nang tahimik. Inayos ko ang boses ko at sumagot.
"Magiging okay din ako," I answered. Sana.

He sighed again. Napapitlag pa ako nang hawakan niya ang kumot na nakatakip sa akin. Nataranta ako at napahigpit ang hawak doon.

"Hyung, meron pa ba yung allergy mo? Okay na ba?," he asked.

God! Allergies?
Kahit madilim ay kitang kita ko ang pamumula nang balat ko. Mas lalo tuloy akong naiyak.

"O-Okay lang. Huwag ka nang mag-alala. Medyo natatanggal na yung mga pantal," pagsisinungaling ko.

"Sige, kain ka na. Sasamahan na kita dito. Subuan na rin kita, hyung," prisinta niya.

Agad na tumanggi ang sistema ko. "N-No! Ano..ako na lang. Pwede ka nang lumabas."


He didn't speak for a while. Halos isang minuto siyang tahimik at alam kong tinititigan na niya ako nang mataman.

Umalis ka na, please lang.

I sobbed when I felt that hot liquid flowing from my nose again. Paimpit akong napaungol nang pumitik ulit ang ulo ko. At di ko maiwasang mapakislot sa lalong pagbigat nang pakiramdam ko. Letse. Letse!

"Hyung, okay ka lang ba talaga? Dadalhin na yata talaga kita sa ospital. Bumangon ka na diyan at dadalhin kita."

"No. Huwag na," mabilis na sagot ko.

"Pero hyung—"

Nabigla ako nang hilahin niya ang kumot na pinagtataguan ko. Ang nanlalaki niyang mga mata at ang pagputla niya ang dumapo sa paningin ko. Maging akong ay lalong nanghina at di na makapagreact. Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko at hinawakan ang bandang ilong ko. Napapikit ako nang makita ko ang pulang likido doon. Blood.

"Hyung! Dumudugo ang ilong mo—"











NATARANTA ako nang mahimatay siya. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at di ko na alam ang gagawin ko.

Nosebleed! May nosebleed siya!

Shit! Shit!

Nang hawakan ko siya ay parang napapasong nabitawan ko rin siya agad. Napaatras pa ako sa gulat dahil sa sobrang init nang balat niya. He was burning with fever! He's pale and his nose is bleeding! Rashes!

Shit! Dapat talaga ay di na ako pumayag na tumulong siya sa cleaning!

-

otornim • jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon