047

1K 59 118
                                        


"SEVEN days na lang, school fest na. Kaya magpagaling at magpalakas ka. Kailangan ka na sa school niyan."

But he just snorted. Umiling-iling siya at iniwasan ang isinusubo kong pagkain. Tiningnan ko siya nang masama at tiningnan niya rin ako nang masama.
"Ayaw ko na," masungit niyang sabi.

Idiniin ko ang kutsara sa bibig niya pero di niya ibinuka. Napafacepalm ako.
Ang hirap niya pala talagang pakainin. Tatlong araw na siya rito. At binibisita ko siya tuwing natatapos ang huling klase ko. Minsan din ay natulog ako dito sa ospital dahil walang magbabantay sa kanya, naging busy din kasi ang pinsan niya. Nang maospital kasi ang liit na ito ay si Seokmin muna ang naging temporary president nang Student Council, since alam niya lahat nang plano ni Ji. Yun nga lang, kawawa ang lalaking yun ngayon, dahil ang mga plano ni Lee Jihoon ay mga bagay na halos siya lamang ang nakakagawa. Abnormal kasi to.

"Hindi ka na talaga lalaki kung ganyan ka," panlalait ko. Ibinalik ko ang kutasara sa mangkok para mahawakan ko ang kamay niya. Itinaas ko iyon at ipinakita sa kanya. "Nangangayayat ka na rin," I paused, I gently tapped his left cheek and continued talking, "...wala na ang puffy cheeks mo. Di ka na cute."

He pouted. Hinawakan niya ang kabilang pisngi niya at tinapik din iyon. Pakyut niya akong tiningnan. "Panget na ba ako, My Cheol? Di na ba ako nababagay sayo?," he asked.

Tiningnan ko naman siya nang mabuti. Iminove ko paleft and right ang mukha niya at parang chinecheck ko nga talaga kung maganda pa ba ang lagay nang kacute-an niya. Kunwari ay malungkot na napabuntong-hininga ako. Itinuro ko ang pisngi niya at umiling-iling.

"Hindi ka pa naman panget. Ang kaso, malapit na. Hindi ka na din bagay sa akin," I answered.

His mouth parted. Takot na takot na napahawak siya sa mukha niya habang nakatingin sa akin.
"Nagiging p-panget na ako? Pero di p-pwede! Dapat cute pa rin ako sa paningin mo! Gahd! Di na tayo bagay! Di na tayo bagay!," he exclaimed.

Nagulat pa ako nang sapuhin niya ang mukha ko. My heart leaped so high, it's already soaring. His face so near and his breath was fanning mine.

"Hoy, Ji—"

Nanlalaki ang mga mata niya. He rubbed my face at parang natataranta kung magreact . "Bumili ka nang tatlong burger! Limang large fries at dalawang spag! Samahan mo na rin nang isang bucket nang chicken at tuna pie! Bilis! At kakain ako! Ayaw kong pumanget! Bilis!" he shouted in my face.

Nahili-hilo ako sa mga inorder niya. Idagdag pa ang nakakasira nang sistemang distansya ng mga mukha namin at ang napakatamis niyang hininga. Wala na talaga akong pag-asa.

Heto, basag ang ribs ko at damay ang puso at mga lungs ko. My world tilted and rocked. It's making me crazy. Jihoon's making me crazy.

Inayos ko ang takbo nang utak ko. Alanganing tumango ako at pasimpleng lumayo.
"Eto na nga, bibili na. Hintayin mo ako dito. Okay?"

He nodded. Tinulak tulak niya pa ako para lumayo na. Nakangiti siya at tuwang tuwa na naman. Nakalimutan na yata niya ang sinabi kong panget siya. Nagoodmood bigla, eh.

Samantalang ako, na-awkward bigla. Tsk.
Mabilis akong lumabas nang hospital room niya at parang hinahabol nang limang DK na tumakbo palayo. Pakiramdam ko tuloy ay tinatakbuhan ko din ang mga bagay na kanina lang ay naiisip at nararamdaman ko.








"HERE is your order, sir."

Nginitian ko ang cashier at saka inabot ang order ko. "Thank you."

Pagkaabot ay agad akong tumalikod at naglakad palabas. At saktong paglabas ko ay tumunog naman ang cellphone ko. Nang tingnan ko iyon ay number ni Seokmin ang tumatawag. Tumaas ang kilay ko at sinagot iyon.

otornim • jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon