070

943 58 75
                                    

099

...
Not all loveteams end up together. Common sense na yun. Dahil hindi lahat nang ships nagkakatotoo.

Tulad nang sa amin. Ang dami naming shippers, no? Pero nagkaroon ba nang kami? Nagtagal ba kami? Hindi naman.

Hindi ako bitter. Pero hindi ko naman maiwasang mabitter nang konti, lalo na ngayon na nasa harapan ko lang sila habang nagpapakita sila ng pagmamahal nila sa isa't isa.

Naiinggit ako. Kasi mahal siya ng taong mahal ko. Naiinggit ako, kasi totoo ang ipinapakita ng taong nagpanggap lang na gusto din ang mga ginagawa ko. Naiinggit ako, kasi sila, may sila.


"It's okay, GJ."
Napatingin ako kay Joshua na hawak hawak ang isang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya sabay pisil nang kamay niya.

"Okay lang naman ako. Okay lang, JG," bulong ko.

He worriedly looked at me. Nag-iwas lang ako nang tingin at nagpatuloy sa pagsusulat. Kagat kagat ko ang labi ko para pigilang maiyak sa tindi nang sakit sa dibdib ko.

Akala ko naibuhos ko na lahat nang sakit kagabi. Pero hindi pa pala. Letse, ang lakas ng loob kong pumasok at magpakatapang, hindi ko din naman pala makakaya.

I glanced at their way. They are too engrossed holding each other's hand, cuddling each others' shoulders. They were kissing everytime he pauses from writing and smiling at each everytime their eyes meet.

Habang pinapanood ko sila ay pinapamukha sa akin nang realisasyon: hindi talaga kami pwede. Kasi hindi siya straight. Mas gusto niya ang lalaki kaysa sa babae. Badtrip lang?


Letse. Kapag natapos ko talaga ang librong sinusulat ko,magmumove on na ako. Magmumove on na talaga ako!

~~
Author's Note

I can't believe I can finish this in just three days.
Next is Epilogue.
☺☺☺


👀1 ★2 💬1


Comments

CyScoups
Don't-

CyScoups
MyJi, I'm sorry

10Hours10Minutes
^^^ Ang aga naman ni oppa. Kapopost palang. Naunahan pa ako!

CyScoups
Letse. Bakit hindi siya nagrereply?
Replies
animeNOJAM17 Hindi na po talaga siya nagrereply. Pati sa mga nagpopost sa wall niya, hindi niya nirereplayan
ghiemin Basta UD na lang nang UD si Mamsie ngayon, Paps :(((
CyScoups Pero kasi

CyScoups
Ji!!!!!! Abugh! Putik! Di ka na talaga nagrereply?! Ganyan ka na ba talaga kasnob ngayon?!
yukisora1122 Hala. Appa, kalma lang po kayo
Hannah_Jeyn Potek! Huwag ka po magwala dito sa comment box!
kyerds Hala. Bakit kinikilig pa rin ako sa actions niya?
10Hours10Minutes ^ Ako din :'((

CyScoups
Ji naman. Iniiwasan mo na nga ako sa school. Pati ba naman dito? Pinaninindigan mo talaga ang move on na yan, eh, no? Badtrip ka naman!
Replies
wontrinity Hindi na yata ito kakalma pa. Pero kalma ka lang po, Papsi.
nyansol Hindi naman siya babalik sayo kahit magcomment ka nang magcomment. Suyuin mo personally kasiiii
CyScoups Suyuin siya? Paano ko siya susuyuin kung hindi nga ako makalapit sa kanya? Bantay sarado siya nang bwisit na Jisoo na yun!
KoiLineBriones Aba ay tanga pala si Otornim. Gawan mo nang paraan!
CyScoups 😠 Hindi ako tanga.
KoiLineBriones Kaya nga gawa ka nang paraan para di ka na maging tanga. Sa pagkocomment mo nang ganyan, nagiging tanga ka na
CyScoups Paraan? Anong paraan naman? At saka paano ko magagawa ang paraan na yan kung lagi naman silang magkasama nang Kanong yun?!
wonutella Kidnapin mo po si Mamsie :D
CyScoups Mamamatay ako habang kinikidnap ko ang sadistang yun :(
Mojojo009 Public confession po :D
CyScoups Hindi ganun kakapal ang mukha ko! -_-
Mojojo009 Para naman kay Mamsie, eh :(
CyScoups Kahit na!
Dark_Musica Magbigay ka nang flowers at chocolates! Parang secret admirer lang?
CyScoups Secret nga diba? Malalaman ba niyang ako ang nagbigay nun?
HimeAckerman Ang sungit mo po ngayon :(
ghiemin Broken hearted kasi. Hayaan mo na
Hannah_Jeyn Ayaw mo naman nang mga suggestions. Magpakamatay ka na lang
alyana-g Magpakasagasa ka!
alyana-g Sa Train to Busan!
CyScoups Okay
alyana-g Ha?
geumanji Abugh! Potek! Magpapasagasa ka talaga, otornim?!
CyScoups Kayo nagsabi. At gusto ko ang ideyang yun. Geh, bye, magpapasagasa na ako
alyana-g DEACTIVATE.
wonutella ^Natakot sa sariling idea. HAHAHHAHSHSHHSHSHHSHAHGS
wontrinity Okay po, otornim~~
animeNOJAM17 napapailing na lang ako. Tanga pala talaga siya. Tsk tsk
nyansol Ang broken nga naman 😟

CyScoups
Maaaksidente ako! Para mapansin mo ulit ako! 👊👊👊 Itaga mo yan sa PAsharp jaw nang boypren mong hilaw! 🔪🔪🔫

10Hours10Minutes
^ Last niya na daw yan. 😐😐

jayjaymoto
Makikilibing na lang ako. 😐

-

otornim • jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon