Chapter 6

3.9K 92 0
                                    

******

Third person's POV
****

"TANGINA, BA'T HINDI KA NAG IINGAT?!" Bulyaw ng isang lalaki sa kanya. Siya 'yung taong sumugod kay Ryle kanina sa may gym na ngayon eh, sinesermunan ng isang lalaking nasa mataas na posisyon.

"M-masyado s'yang malakas, boss--"

"Pa'no kung natanggal 'yang mask mo, ha? Sabihin mo nga? Magaling kumilala at kumilatis ang Ocampo na 'yon, mula sa pagkakakilala ko sa kanya," Sabay upo nito sa swivel chair n'ya at nag lagay ng wine sa baso nito. "Anong tinanong n'ya sa'yo?"

"kung sino raw ako at kung sino ang nag utos sa'kin, boss, pero maniwala kayo, hindi ko sinabi sa kanya na kayo po 'yung boss ko."

"That's good, then," Sabay inom nito sa wine at agad na ibinaba ang baso nito sa ibabaw ng mesa, "Make sure na magagawa mo o n'yo ang pinapagawa ko. Gusto kong makita kung paano umurong ang buntot ng Ocampo na 'yon, maliwanag?" Saka naman s'ya napatango, "Makakaalis ka na."

Nang makalabas na ng office ang alalay n'ya, agad n'yang naibato sa kawalan ang baso na dahilan para mabasag ito sa sahig na dala ng galit n'ya.

"Paglalaruan muna kita, Ocampo. Atleast, sumagad 'yang limits na meron sa'yo para kalabanin ang tulad ko." Nakangising sambit n'ya sabay punit sa isang larawan at nalaglag ang mga piraso nito sa sahig.

----
Jane's POV
****

Tinulungan kami ng mga maids sa mga bagahe namin nung pagkapasok namin sa loob ng mansion, and I'm not really excited about it. Mukhang si mom lang 'yung excited na tumira dito kasama sila Tito Ray.

Sinamahan naman ako ng isang maid na inutusan ng butler, kung nasaan ang magiging kwarto ko. Then, nang makarating na kami sa tapat ng magiging kwarto ko? Agad naman na napadako 'yung paningin ko sa isang pintuan. Tapos, may nakalagay pang keep out na sticker at bungong may ekis. Malamang kay Ryle Shin 'yung k'wartong 'yon. Nakakakilabot palang kung titingnan mo 'yung pintuan, paano pa kaya 'yung loob ng kwarto n'ya? Lugar ni kamatayan? Jusko.

Pagkapasok ko eh, agad naman akong nag thank you sa maid, saka naman iniwan na rito 'yung dalawang bagahe ko sa k'wartong 'to bago s'ya umalis.

Simple lang 'yung kwarto na'to saka may dalawang frame pang nakasabit sa pader. Bale? kumpleto na 'yung mga kagamitan dito sa kwarto kaya ang kulang nalang eh, 'yung mga damit ko.

Napaupo ako sa ibabaw ng kama at ramdam ang lambot nito na parang heaven na kapag humiga ka, hehe. Pinasadan ng paningin ko 'yung paligid ng k'warto na'to na medyo may kalakihan ang espasyo.

Saka ako napahiga at napatingin sa kisame, 'Hayst,ang lambot!' At kinuha ko 'yung isang unan saka ito niyakap. 'Di ko namalayang nakatulog na 'ko.

Meanwhile..

Nagising ako sa isang kalabog mula sa labas ng kwarto ko at napagtantong nakaakap pa rin ako sa unan na'to. Dahan-dahan akong napabangon mula sa pagkakahiga, at pagkabukas ng pinto? Para akong nakakita ng multo dahil saktong pagbukas ko eh, sakto naman 'yung pagdaan ni Ryle Shin, dahilan naman para mapatingin s'ya sa'kin.

Kumabog ang dibdib ko dahil isang seryosong na titig na dahilan para kabahan ako, habang nakahawak pa rin ako sa doorknob ng pintuan na'to.

"Tss! It's you again, what time did you arrived here in my territory?" Bahagya pa 'kong napalunok nang lumapit s'ya sa direksyon ko with a serious stare.

"A-ahh, mga bandang tanghali lang." Medyo naiilang talaga ako sa mga titig n'ya sa'kin, masyadong kakaiba 'yung mga 'yon para sa'kin. He's really attractive and I can smell his own perfume- the heck, Jane?! What are you thinking?!

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon