Chapter 8

3.8K 70 1
                                    

********

Hinang hina ang mga tuhod kong pumasok sa k'warto ko at diretsong napasalpak sa ibabaw ng kama. Ramdam ko ang matinding pagod mula kanina at idagdag mo pa 'yung ngayon lang!

Bwiset na goon! Waaaah!! Biruin mo beh? Biruin mo?! Ba't ganun-ganun nalang 'yung pang aano n'ya sa'kin?! What I mean is, parang hindi ko talaga maigalaw 'yung katawan ko kapag s'ya 'yung kaharap ko,and take note? With matching holding beh!! God! Ang tanga tanga mo, Jane!

Napatitig ako sa kisame habang nakatihaya ako sa kama. Hinawakan ko 'yung dibdib ko at pinakiramdam ko pa 'yung puso ko pero ayos naman pag tibok nito, kaso? 'Yung kanina lang talaga parang automatic ang bilis! 'Yon bang parang tumakbo ako ng 500 meters run? Jusko.

Napatigil ako nung may kumatok.

"Ma'am Jane?"

"Ah, yes?" Kasabay na napabangon ako mula sa pagkakahiga ko dito.

"Pinapatawag po kayo ni Sir Raymond sa kanyang silid daw po." Sabi naman ng maid kaya sumagot naman ako na susunod na 'ko papunta ro'n.

Nag i-stretch muna ako bago buksan 'yung pintuan para lumabas papuntang office ni Tito Ray. Napatingin ako sa kaliwa't kanan saka napakamot. Sa lawak at laki ng mansion ni Tito Ray? Baka maligaw talaga ako, hmp.

"Saan kaya 'yung office n'ya dito? Hmm.." Sambit ko habang naglalakad at tumitingin sa mga naka display na frame. Napapaisip ako kung pwede 'tong maging musium, hehe. Ang laki kasi ng mansion na'to kaysa sa mansion namin ni mommy.

Napabuntong hininga ako saka kinalbit 'yung maid na nag lilinis ng mga naka display rito.

"Ahh, asan 'yung office ni Tito Ray?"

"'Yon po ba, ma'am? Tara po, sasamahan ko kayo." Bahagyang nakangiting sagot naman ng maid kaya napangiti ako lalo at nakahinga nang maluwag! Finally! hahahaha!

Nang nakarating na kami sa tapat ng medyo malaking pintuan eh, pinag buksan pa 'ko ng maid na'to kahit nakakahiya deep inside para sa'kin.

"Sir, Andito po si Ma'am Jane, sige po." Sabay bow n'ya pa sa'kin kaya alanganin naman akong ngumiti bago s'ya lumabas.

"Buti naman at nagpatulong ka, hija." Nakangiting sabi ni Tito Ray saka s'ya may kinuha sa kanyang drawer.

"Umupo ka," Saka naman ako tumango at umupo sa may sofa. Napatingin ako sa mini-glass table na'to dahil may nakahanda na palang mga coffee at slice cake.

"Yung mommy mo nga pala nasa mansion n'yo dahil may kukunin s'ya. Then, babalik din dito for fixing your papers para sa bagong papasukan mo." Sabay umupo ito sa harapan ko at inilapag ang isang white folder sa ibabaw ng table. Bahagya akong napakunot noo dahil sa sinabi n'ya.

Bagong school? Don't tell me lilipat talaga ako ng ibang school?! God, this isn't happening.

"B-bakit po ako ililipat ng bagong school, tito?" Takang tanong ko saka naman s'ya ngumiti at inilapit sa'kin 'yung folder na sinasabing, 'tingnan mo.'

"See for yourself, hija. It's a good opportunity para pagsamahin ko kayo ni Ryle Shin sa iisang school, mostly? you're a dean's lister. So, I prefer that me and your mom had decided that you should be in that international school. But, only for intelligent students who required and can afford to study there." Sabi naman ni Tito Ray kaya kinuha ko naman 'yung folder na 'yon saka binuksan.

Nandito na lahat ng requirements at details about sa'kin, and mostly my school records. "A-ah, Tito Ray?"

"Yes, Jane?"

"Can I talk to my best friend for a second?" Ngumiti naman s'ya saka tumango.

"Take your time, then."

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon