*****
.
.
Dumating ang mga araw na nagiging mailap na 'ko sa kanya. Mostly? Kapag kasama ko si Tiffany? Iniiba ko nalang 'yung usapan kapag nasasabi n'ya 'yung name ni Ryle shin. It's just, I'm still into my plans. Ang iwasan s'ya. Then, focus na muna ako kay Luke at sa studies.But day by day? Napapangiti nalang ako sa kawalan nguni't hindi umaabot sa mga mata ko, na sa tuwing makikita ko silang magkasama ni Mica? Iniisip ko na, hinding hindi ako maapektuhan.
Pero deep inside? I'm freakin' lying to myself. Nalukot ko tuloy 'yung reviewer ko na kanina ko pa hawak-hawak habang nandito ako sa kwarto ko't kaharap ang notebook ko.
Masyado na atang napreoccupied 'yung utak ko simula kanina. Napabuntong hininga ako at napailing nalang. I need to focus.
Binasa ko ulit 'yung reviewer para ilagay pa 'yung mga kulang, or mula sa mga naging lesson namin no'ng isang araw. Kasi 'yung prof namin? Mahilig mag pa surprise quiz or test. Kaya nakakatakot s'yempre, why? Binabasa n'ya sa harapan 'yung mga scores na nakuha namin. Nakakahiya kung makakakuha ka ng mababa, tapos 'yung iba naman? Matataas ang nakuha. Unless? Kung nangopya ang iba.
Napatigil ako nung nag ring ang phone ko. Tiningnan ko 'yun. Klein? Kaya agad kong sinagot.
[Oh thank God! You finally answered it! Hahaha!] Masayang bungad n'ya sa'kin kaya bahagya akong napangiti sa kakaibang mood n'ya ngayon.
"Ahmm, ba't ka ba napatawag nang ganitong oras? Gabi na, ah?" Saka ako napahikab.
[Well..I can't sleep kaya naisip kong tawagan ka. Is that bad?] Bahagyang napakunot noo lang ako bago mag salita.
"H-Hindi naman sa gano'n. Nagtataka lang ako. Tsaka, kumain ka na ba kanina ng dinner meals mo?" Tanong ko.
[Ahh lately..tinapos ko lang muna 'yung mga projects, and school documents before I ate my meals. How bout you?] Napahalumbaba ako habang hawak hawak ang phone.
"Ayun, nag-rereview lang naman at baka mag karoon ng surprise quiz or test sa ibang subjects namin. Tsaka, kakain na rin ako maya-maya after this. Sige na, ibaba ko na 'to--"
[Wait! Wait! Ahmm..kung free ka or vacant, you can freely go to the rooftop. Doon ako palaging tumatambay as usual, mostly? Kapag walang council works.]
"Hmm, depende nalang sa magiging sched. ko, but thanks. Tsaka, dapat matulog ka na, may pasok pa 'no, lalo na't SCP ka pa naman."
[Haha okay okay, I get it. So, anyways, have a good evening, Miss Reyez!] Napangiti ako after kong in-end 'yung tawag saka napa-istretch nalang ng magkabilang arms.
Maybe, I'm just tired. Well, magiging worth it naman kapag nagkaroon ng test or quiz at nakapasa ako, kung lang naman. God, dami kong iisipin. Except lang sa kumag na 'yon.
Naisip ko nang tapusin ang lahat nang i-rereview dahil nakakaramdam na rin naman ako ng gutom. Akma sana akong tatayo nung nag vibrate 'yung phone ko sa ibabaw ng study table ko.
》You receive one message《
Bahagya akong napangiti nung nakita kong si luke 'yung nag message. Agad ko 'yong binuksan saka binasa.
From: ♡♡ Loves ♡♡
Hey loves, malapit na 'yung birthday ni Wendy. I hope you'll come with me or you can invite your stepbrother. The Darkwolves will be there too. So yeah, I have to do my task here in my room. I hope you didn't skip your meals this evening loves, I love you! ^^
Napailing nalang ako saka inilapag ang phone ko sa ibabaw ng study table ko. About Wendy, medyo magkalapit ang birthday namin, I mean the month. October s'ya at November ako. Maybe, after those scheds na meron ako e, sasabay na rin naman sa'kin si Tiffany sa pagbili ng mga dress for the up coming birthday party ni Wendy.
BINABASA MO ANG
Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]
Romans••••••••••••••••••••••••••••••••••• ●[Darkwolves Series #1]● ••••••••••••••••••••••••••••••••••• ○ Ryle Shin Ocampo ○ ******************************** Former old title: My Possessive Stepbrother ----------------------------------------- "Being his s...