Chapter 64

839 10 5
                                    

*****

Agad akong napaiwas ng tingin dahil sa sobrang lapit n'ya. 'Di ko alam kung anong sasabihin ko sa mga oras na 'to habang kasayaw s'ya.

"Nag.. nag bibiro ka lang, 'di ba?" Tanong ko habang hindi nakatingin sa kanya. At narinig ko naman s'yang napabuntong hininga.

"I'm serious." Mahinang sagot n'ya pero ramdam ko pa rin ang mga titig n'ya sa'kin. Parang medyo na blangko ako dahil sa sinabi n'ya ngayon lang. Isang Silverio, may gusto sa'kin?

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong sasabihin ko." Sambit ko.

"Are you still in love with him?" Kaya unti unti akong napatingin sa kanya. Kitang kita mula sa mga mata n'ya na seryosong seryoso s'ya.

"Hindi ko—hindi ko rin alam e...I'm sorry." Malungkot na sagot ko habang nakatitig s'ya sa mga mata ko.

Matapos ang pangyayaring 'yon ay bumalik na kami sa table namin. Wala ni isa sa'min ang nagsalita. Oo, medyo awkward dahil sa mga rebelasyong nasabi n'ya.

There's so many beautiful girls, but why me? Yes, he's handsome, nice, talented and smart.

Nagkainan muna kami dahil may sunod pang mangyayari sa stage. Habang nandito ako sa C.C? Naaalala ko naman yung mga memories ko rito. Noong nakilala ko si Klein, at kung paano naman ako ipahiya ni Ryle shin that time. Para nga kaming mga tanga e. Aso't pusa na hindi magkasundo.

Napangiti ako nang bahagya habang nakatingin sa pagkain ko. I really missed those moments. Maraming nangyari ever since Ryle came. Nagkagulo ang lahat. Basta, marami. Ilang beses n'ya na rin akong nahalikan noon. S'ya lang naman palagi ang nagpapagulo at nakapagpaparamdam sa'kin ng kaba. Napailing nalang ako sa mga memories na kasama ko s'ya habang nakangiti pa rin.

Hay nako, Ocampo...

"Good evening ladies and gentlemen, so, ano? Masarap ba ang mga nakain n'yo?" Tanong ng emcee at sumagot naman yung iba. "Well, well, excited na ba kayo sa last dance? Dahil kung sino ang makaka-last dance n'yo? S'ya ang magiging forever n'yo, ano game na ba kayo? Haha!"

"Oo naman!"

"Grabe, kabado ako, cyst!"

"Sana makasayaw ko yung crush ko!"

"Ay jusko, wala namang forever e!"

Bahagya akong napangiti habang pinapanood sila nag sisitayuan sa kani-kanilang mga upuan. Nakita ko pa nga tumayo na si Tiffany at inaaya akong maghanap ng ka-last dance ko, haha!

Tumayo na rin ako at yung iba sa'min ay nasa harapan na ng sayawan. Tapos biglang namatay ang ilaw. Hala..

"Try to find your last dance partner in 50 seconds, kapag nag bukas ulit ang ilaw at kung kanino kayo nakahawak ay s'ya na ang makakasayaw ninyo! Starts now!" Sabi ni emcee, jusko, pa'no 'to?

Parang nangangapa ako kung sino ang makakasayaw ko sa sobrang dilim, pero medyo maingay. Narinig ko pa nga na may nagtatawanan. Kaso, ang hirap naman nito, 'di ko makita kung sino.

"20 seconds!"

"Aray! Yung paa ko! Sino ba 'yon?!"

"Hala, jusko! Asa'n na kaya si crush?"

"Ang hirap, 'di ko mahanap yung hayop na 'yon!"

Nagulat ako dahil may bumangga sa'kin upang mapaatras ako. Pero, medyo nagulat ako dahil may umalalay sa'kin mula sa likuran ko. Bahagya akong napatigil, dahil ramdam na ramdam ko yung init ng mga kamay n'yang nakahawak sa magkabilang balikat ko.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon