Chapter​ 7

3.9K 81 1
                                    

****

Next day..

Sinuot ko 'yung off-shoulders na color yellow, tapos, may design s'yang pa-rose sa manggas saka pinartner ng black skinny jeans with sandals. Anong araw ngayon? Today is my day with Luke Dominguez! God, I'm so excited hihihi~

Nag lipstick na 'ko rouge-red with mascara at naka curly 'yung dulo ng medyo dark red kong buhok. I want to be pretty kapag kasama ko s'ya. Why? Coz' he is the famous model from the pen shoppe and bench kaya kapag gwapo 'yung model? Dapat pati girlfriend eh, maganda rin like me, hahaha charot!

Binasa ko muna 'yung text ni Luke na sa Plaza muna kami pupunta. Do'n kasi nag simula ang lahat about sa'ming dalawa, mostly? 'Yung pag comfort n'ya sa'kin that time na sinabi sa'kin ni mommy na patay na raw si daddy.

Sinukbit ko na 'yung shoulder bag ko bago lumabas ng kwarto. Tiningnan ko muna 'yung sarili ko sa salamin, then sabay ngiti hahaha! Parang model lang, echos!

Paglabas ko ng kwarto eh, nagpalinga-linga muna ako sa paligid at baka may umeksanang demonyo, geez. Nakahinga ako nang maluwag nung wala naman at puro maids lang 'yung nandito, kaya bumaba na 'ko ng stairs at yabag lang ng takong ko 'yung naririnig sa mansion na 'to hanggang sa paglabas ko.

Ramdam ko ang malamig na hangin nung pagkalabas ko sa mansion. Napasimangot ako nang napagtanto kong hindi ko nga pala nadala 'yung kotse ko, hmp.

Naglakad muna ako papalabas ng gate saka ko tinext si Luke na sunduin n'ya nalang ako sa may kanto. Napabuntong hininga ako dahil hindi ako sanay na mag commute at baka maligaw pa 'ko.

Maya maya pa'y dumating ang isang asul na kotse saka ito tumigil sa harapan ko, tapos, ibiniba n'ya 'yung bintana sabay dungaw habang naka shades, "Goodmorning love, mas lalo kang gumaganda, ah?"

'Di ko napigilang mapangiti, "Sus, nambobola ka naman eh, tsaka, hindi ka ata mabubuhay ng walang suot na shades." Bahagya naman s'yang natawa saka binuksan 'yung kotse sa passenger seat para sa'kin.

"Get in at mag eenjoy pa tayo sa pupuntahan natin." Nakangiti n'yang sabi kaya sumakay na 'ko saka isinarado 'yung side ng kotse bago s'ya humarurot paalis.

"Natatandaan mo pa ba? 'Yung song ng mama bear and papa bear?"

"Hahaha, 'yon ba? Oo naman, medyo ang childish ng dating mo no'n 'no," Saka naman s'ya natawa habang nag da-drive.

"Nakyutan ka naman sa'kin, ah? Hahaha."

"Kapal nito jusko, hahaha!" Saka lang ako napatigil nung naramdaman ko 'yung paghawak n'ya sa isang kamay ko, at nanlaki pa 'yung mga mata ko nang halikan n'ya 'yon habang nakatuon ang atensyon n'ya sa harapan.

"Just to make you happy, love." Sabi n'ya na ikinamula ko nung sumulyap pa s'ya sa'kin habang bahagya itong nakangiti, kaya napatingin nalang ako sa bintana at hindi maiwasang mapangiti dahil sa ginawa n'ya.

---
Ryle's POV
****

It's our two days mini-practice game for the upcoming inter-high in December. Panay practice 'yung iba sa mga teammates ko, tapos, si Yohan naman eh, minsan nabubwiset kasi bumabagal pa 'yung iba. Ginagawa lang namin 'to para kapag sa araw na ng game eh, hindi sila papatay-patay sa paglalaro.

"Osya, time out na muna, mga 5 minutes break, guys!" Sabi ni Yohan, kaya naman napaupo pa 'yung iba sa sahig na dala ng pagod.

"Haaaaays! Penge tubig Ivan!"

"Haha, ikaw nalang Bryan! Ang sakit ng balikat ko!"

"Guys! Guys! Tara may binili nga pala si Pareng Troy na pagkain!"

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon