Chapter 47

1.4K 34 6
                                    

********
.
.
Dali dali akong pumunta muna sa may administration office dahil nag text sa'kin si Klein. I-to-tour ko nga pala si Renzo. Muntik ko na ngang makalimutan e. Jusme ka Jane, dami mo ba naman kasing iniisip!

Pagkabukas ko ng pinto ay s'yang bungad naman sa'kin ni Klein na mukhang lalabas ata. Napangiti s'ya nung nakita n'ya ako.

"You just right on time, Miss Reyez, haha, come in."

"Pasensya ka na, ah? May inayos lang ako saglit sa classroom namin e." Sagot ko saka naman ako pumasok sa loob at isinarado ni Klein ang pinto. Nakita ko rin si Renzo, at napatingin din s'ya sa'kin with a blank expression on his face. Kala mo parang hindi marunong tumawa 'to. Tsaka, presintable 'tong nakaupo sa may couch at naka crossed arms lang habang nakasandal.

"You're 6 minutes and 45 seconds late, Miss Jane olivia." Matapos sabihin 'yon ni Renzo? Parang may dumaang anghel sa pagitan namin. 'Di ko alam pero nakakaramdam ako ng awkwardness when it comes to him. Hindi ko alam kung bakit.

Parang mala Ryle shin din 'to kung makapag salita, jusko..

"Sorry naman. May tinapos lang ako ro'n sa may classroom namin--"

"Tinapos? From flirting with that bastard?" Straight-forward n'yang sagot kaya hindi ako makapagsalita. Ramdam na ramdam ko 'yung malamig n'yang titig sa'kin kaya napaiwas tuloy ako ng tingin.

Ba't ganito s'ya kung makapagsalita? Parang ang tagal na naming magkakilala, ah? 'Di naman siguro, 'di ba?

"Ohh geez, bro? Stop being rude to her." Sabat maman ni Klein at napatingin rin 'to sa'kin, saka bahagyang ngumiti.

"I'm sorry kung ganyan yung ugali ng kambal ko. By the way, I have to go somewhere, and bal,"

"What?"

"Be nice, okay?" Nag taka ako sa makahulugang titigan nilang dalawa saka naman lumabas na si Klein, kaya naiwan kaming dalawa ni Renzo.

"U-Uhmm.."

"Let's go and show me the whole campus. I don't wanna waste some freakin' time." Kasabay na pag tayo nito at nilagpasan ako. Nilingon ko sya saka napabuntong hininga. I can't argue with him. Tandaan mo Jane, be nice ka rin! But there's something sa kanya na parang pamilyar.

Sumunod na 'ko sa kanya at naglakad para sa sabayan s'ya. Hindi lang talaga ako mapakali habang kasama s'ya. Why? I really feel the awkwardness between us. Ibang iba sa aura din ni Ryle shin. Darker.

"Ito yung music room, dito? Pwede kang tumugtog nang kung anu ano. Unless kapag wala kang klase." Paliwanag ko habang naglalakad kami. Habang sya? Tahimik lang na nakikinig. Saka naman kami pumunta sa may malapit sa swimming area.

"Dito naman yung pool area. Swimming subject kapag needed. Mostly, part rin ng P.E subject." Saad ko. Kitang-kita ko naman s'ya na napatango pero hindi pa rin nagsasalita.

"Girls! 'Di ba Ocampo rin yung kasama ni Ate Jane?!"

"Oo! Ang gwapo gwapo nya pala sa personal kyaaahh!"

"Nafeatured rin sya sa magazines dati, remember? Katrabaho ata ni Dominguez?"

"Ay Oo!! Sya nga!"

Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga babaeng estudyante sa paligid. Infairness, ah? Kilalang kilala pala talaga sya. Iba nga naman talaga ang mga Ocampo. Napaka high profile talaga nila as usual. 'Di na 'ko magugulat kung palagi silang pinagkakaguluhan araw-araw.

"Ito rin pala yung gymnisium. Katabi n'yan yung office at clinic. Then, sa loob ng gym? May basketball area." Dagdag ko pa nung napadaan kami sa may gym.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon