Chapter 5

4.2K 93 0
                                    

******

"Your life will be ruined while you're with me. Keep it that in mind,Witch."

Agad akong napamulat at napagtantong nakahiga pala ako sa kama ko. Nasa mansion ulit kami ni mommy and it's already morning.

Well, mas lalo lang akong nanlumo nung nalaman kong mamaya na pala 'yung paglipat namin sa mansion nila Tito Ray at ni Ryle. God, kinakabahan talaga ako kapag iniisip kong magkakasama ko in one mansion 'yung goon na 'yon? Parang ang sarap talaga mag back out!

Kinuha ko 'yung phone ko at tiningnan. Puro kay Tiffany 'yong message. Tapos kay-"Oh my God! It's Luke!" Nakangiting sabi ko nang makita ko 'yung pangalan n'ya sa mga messages dito sa phone ko.

From: ♡♡ loves ♡♡

Hey, good morning love! How's your sleep? Still better? Oh, by the way, let's have a date and our meetups? Still at the plaza, you know where hehe, I love you!

'Di ko mapigilang mapangiti nang mabasa ko 'yon, saka naman ako nag reply bago bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama.

Naligo na 'ko saka nag ayos ng sarili sa harapan ng salamin, kaso, bigla namang tumawag 'yung bruha na'to nung magre-retouch palang ako.

"Ang aga aga, ah?"

[ Hoy! May utang ka pa sa'king kwento, bhest! ] Napakunot noo naman ako sa sinabi n'ya.

"Anong utang? Tungkol saan ba?" Saka ko kinuha 'yung concealer at pinindot 'yung speaker mode sa phone.

[ E 'di s'yempre, 'yung about sa lakad n'yong mag ina, hello? Anong nangyari? May pinakilala ba s'ya sa'yo? ]

"Nako, delubyo 'yung pinakilala sa'kin. Isang malaking delubyo," Sabay lagay ko ng concealer sa mukha ko habang kausap 'tong bruha na 'to na pinaalala pa 'yung kagabi!

[ Ay jusko, E 'di panget? ]

"What I mean is, pinakilala n'ya ako sa magiging bagong kamag anak namin, in short? Stepfather and stepbrother!"

[Huwat?! Akala ko date pa naman, hehe. ]

"Baliw, kita mong may boyfriend 'yung tao, tapos, date 'yung iniisip mo. Come on, bhest, mag isip ka nga," Saka naman ako nag mascara bago mag lagay ng lipstick.

[ Eh, sino naman 'yung mga taong 'yon? Mayaman din ba? Kilalang tao? ] Napabuntong hininga ako bago mag salita.

"Maybe, they're, and their surnames are Ocampo."

[ Ay kaloka! E 'di, stepbrother mo 'yung si Ryle Shin? 'Yung kaibigan ni David?! ]

" Exactly! At ang nakakagulat pa, eh, nakakatakot 'yung sagutan ng mag ama kagabi, jusko, Grabe ang tensyon sa dining area kung alam mo lang."

[ E 'di, hindi mo nga kinaya 'yung powers ng dalawa? Like, pipe lang ang peg? ]

"Anong pipe ka d'yan?! You know me, bhest, may manners kaya ako, tsaka, nakapirmi lang ako 'no, ano pa bang ine-expect mo? Na sumabat ako? Geez." Kaya bahagya naman s'yang natawa sa kabilang linya habang tinatapos ko 'yung pag aayos ko sa sarili.

[ Well, here's a thing, bhest. Mag iingat ka sa Ryle Shin na 'yan, nako,] Dahilan para mapakunot noo ako lalo at medyo nakaramdam ng kaba.

[ Masyado s'yang hot, and besides, hindi s'ya 'yung tipong normal na tao. Sabi nga ni David, eh, leader s'ya ng gang nila, at iba ang takbo ng utak n'yan. So beware of him, hehe. ]

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon