*****
.
.
.
Matapos ang dalawang subjects namin ay napabuntong hininga ako saka sinulyapan ang upuan ni Ryle. Lunch break hours ngayon. Kaya napatingin naman ako kaila Adrian na mukhang lalabas ata ng classroom."Ah, Yohan?" Tawag ko kay Yohan nung nasa likuran s'ya nila Troy saka n'ya naman ako nilingon. "Nakita mo ba si Ryle kanina?"
"Hmm, kanina lang. Kaso, ewan ko kung nasaan s'ya ngayon e, sabi n'ya kasi sa'min na susunod daw s'ya rito." Dahan-dahan naman akong napatango at napatingin sa ibang direksyon.
"Nag away ba kayo ni Ryle?"
"Ahh haha hindi, ano kasi.. nagtataka lang ako na hindi s'ya pumasok. Pero salamat nalang." Bahagya naman s'yang ngumiti.
"No problem. But, do you want to join us?"
"E-Ehh nakakahiya naman. Tsaka, sasabay ako kay Luke."
"Ohh okay, then. Sige, una na 'ko. Ingat ka nalang." Tumango naman ako saka na s'ya naglakad papalabas ng classroom para sumunod kaila Adrian.
Eh, saan kaya 'yon pumunta? May problema kaya s'ya? Nakakainis.
Pagkalabas ko ng classroom. Naglakad na 'ko para hanapin s'ya. Iniisip ko kung kumain na ba s'ya? Or sino kaya kasama n'ya?
Malamang sa malamang si Mica. Kitang-kita naman kanina e.
"Oh! Bhest!" Agad akong napatigil at nilingon si Tiffany. Nakangiti ang loka saka n'ya naman ako nilapitan habang may hawak-hawak s'yang baunan.
"Akala ko magkasama kayo ng boyfriend mo. Kakaloka naman, e teka? Ba't ang haggard mo?" Tanong n'ya pa.
"Wag ka nga! Kasi naman e,"
"Kasi ano? Jusme, para kang sinabuyan ng malakas na hangin!"
"Nakita mo ba si Ryle?"
"Well? No. Ba't mo naman hinahanap 'yung warlord freak na 'yon?" Taas kilay n'ya pang tanong. Kaya pinakalma ko 'yung sarili ko.
"E, hindi kasi s'ya pumasok kanina sa classroom. Basta, 'di ko alam kung saan pumunta 'yon.."
"Hey, loves! Oh, hey Tiff." Nakangiting bungad ni Luke sa'min. Alanganin naman akong ngumiti.
Well, it'll make it clear lang naman. Since nandito si Luke. 'Di mo na kailangan pang hanapin si Ryle!
"Jusme. Os'ya, maiwan ko na muna kayo. May pupuntahan pa 'ko. Eat well nalang, bhest, hmm?" Tumango naman ako.
"Ikaw rin, ha? Kapag tapos ka na d'yan, sumunod ka nalang sa'min."
Naramdaman ko naman 'yung pag akbay ni Luke sa'kin. Kaya napabuntong hininga ako saka tiningnan s'ya nung nakaalis na si Tiffany sa harapan namin. Tumingin naman s'ya sa'kin habang nakangiti.
Nang makarating na kami sa may harapan ng cafeteria? Nakita ko si Wendy na mag isang nakaupo na para bang may hinihintay.
"Ah, loves? Gusto pala ni Wendy na sumabay sa'ting kumain. If you don't mind?" Sabi naman ni Luke na para bang hindi mapakali nung tiningnan ko s'ya.
Just calm yourself, Jane..
Huminga ako nang malalim saka pilit na ngumiti. "It's okay, loves."
"Haha, I thought magagalit ka sa'kin or magseselos--"
"No no, It's alright. Tsaka naiintindihan ko naman 'yung side mo e, kaya okay lang sa'kin." Saka n'ya naman ako kiniss sa pisngi bago naglakad papuntang line. Saka naman ako pumunta sa table ni Wendy.
Ngumiti s'ya sa'kin. She really looked so innocent. Ngumiti rin ako pero hindi umabot sa mga mata ko. Pag kaupo ko e, kinumusta n'ya ako about sa trip to Tagaytay. I know, Wendy sy is a friendly type of person I've known, since nasa same kami ng school dati. Mostly? Alam n'yang may relasyon kami ni Luke.
BINABASA MO ANG
Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]
Romance••••••••••••••••••••••••••••••••••• ●[Darkwolves Series #1]● ••••••••••••••••••••••••••••••••••• ○ Ryle Shin Ocampo ○ ******************************** Former old title: My Possessive Stepbrother ----------------------------------------- "Being his s...