*****
.
.
Jane's POV
*****
.
.
Nagtataka ako kung bakit nando'n sila Natasha sa labas ng classroom. Para bang masama ang loob kung titingnan mo 'yung itsura n'ya. Napansin n'ya 'yung presensya ko kaya napatingin s'ya. Pero inirapan ako bigla sabay tinalikuran pa ako't sumunod din naman sa kanya 'yung dalawa.Pasalamat ka't nasa mood ako ngayon...
Napatigil na kami sa tapat ng classroom ko saka ko tiningnan si Luke.
"Sige na, hanggang dito nalang ako. Ingat ka sa pag pasok, ha?"
Ngumiti s'ya saka ako hinalikan sa noo na ikinangiti ko naman, "I will po. Study well, okay?" Tumango naman ako at naglakad na s'ya paalis.
Huminga naman ako nang malalim bago pumasok ng room. Andito na 'yung iba at napadako 'yung paningin ko sa limang pugong na 'yon. Buti at kumpleto silang pumasok, ah? Dati kasi,'yung isa, wala. Tapos, kung minsan pa nga? Tatlo lang sila.
Umupo na 'ko at sakto naman na nagpasukan 'yung dalawang lalaki na akala mo hinahabol ng toro. Then, pumasok na 'yung adviser namin kasunod 'yung isa pang lalaki–teka? Si David 'to, ah?
"Ay naks! Hahaha! Lilipat din pala ang loko! Hahahahaha!" Malakas na tawa ni Adrian.
"Mr. Furukawa! Please quiet!" Saway sa kanya ni Ma'am Aldamayo kaya nagbungisngisan naman 'yung iba rito. Kitang-kita ko naman 'yung pagnguso ni Adrian.
"So, Mr. Colegado? Please, introduce yourself infront of my class."
"Hi, uhmm..My name is..Uhmm David, David Oliveros Colegado. Just call me Dave or David for short." Bahagyang ngiti n'ya na ikinatili ng ibang babae rito. Pero agad naman silang sinaway ni ma'am.
"Then, why did you change your section? Mr. Colegado?" Kitang-kita ko 'yung paglunok ni David dahil halata kasing strikta 'yung mukha ni ma'am e.
"T-To..To enchance myself through sketching a-and.."
"Pfft.." rinig na rinig ko 'yung pag impit nang tawa ni Adrian katabi ni Jake, jusko. 'Tong mga 'to.
"And.. para matutong makisama sa kanila,'Y-Yun lang po...ma'am."
"Lintek pfft..Nagtagalog bigla! Hahahaha!"
"Mr.Furukawa!"
"Sorry po ma'am, hehe!" Naka two peace n'ya pang sabi kaya bahagya akong natawa sa kanya.
"Alright, you may sit on the back of Miss De vera."
"Thank you." saka na s'ya naglakad at nakipag apir pa s'ya kaila Yohan at Troy, and last? Muntik na 'kong matawa dahil akmang makikipag apir pa naman 'tong si Adrian sa kanya, pero pinakyuhan n'ya bigla kaya natawa nang mahina sila Yohan.
"This is nice, mukhang kumpleto na tayo, ah?" Sabi naman ni Yohan habang nakangisi kaila Troy, at napatingin naman ako kay Ryle na tahimik pa rin habang nakaupo sa tabi ko.
"By the way," Panimula ni Ryle bigla kaya medyo kinabahan ako. "After the second class? Let's go at the music room. And don't forget the notes." Sabay baling n'ya sa'kin kaya napaiwas naman ako.
"Ah, O-Oo.." Saka naman ako napabuntong hininga at nagsimula nang maglesson si ma'am sa may white board.
---
Napatingin ako sa labas ng bintana. Mukhang makulimlim, ah? Buti nalang at dala ko 'yung payong ko. Napatingin naman ako kay Ryle. "Ah, Ryle?""What?" Tugon n'ya pero nakatuon ang atensyon n'ya sa iniisketch namin.
"May dala ka bang payong? Mukha kasing uulan e." Napatingin din s'ya sa may bintana.
BINABASA MO ANG
Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]
Romance••••••••••••••••••••••••••••••••••• ●[Darkwolves Series #1]● ••••••••••••••••••••••••••••••••••• ○ Ryle Shin Ocampo ○ ******************************** Former old title: My Possessive Stepbrother ----------------------------------------- "Being his s...