Chapter 9

3.4K 69 18
                                    

****

Jane's POV
*****

Nagising ako sa alarm ng phone ko, kaya napaunat tuloy ako ng mga braso ko habang nakapikit. Napatigil ako at napagtantong nakahiga nga pala ako sa kama na dahilan para mapamulat ako.

"Eh? Pa'no ako napunta rito? 'Di ba nasa labas lang ako—wait! 'Di kaya," Pilit kong inalala ang kagabi na nasa terrece lang ako at hinihintay si Ryle. Dahil nga sa wala s'ya kagabi at biglang umalis nang walang pasabi, hmp.

Napatingin naman ako sa katawan ko. Gano'n pa rin 'yung suot ko simula kahapon. Napatigil nalang ako nung pumasok sa isip kong 'baka si Ryle 'yung nag dala sa'kin dito?! Shems! Kapag totoo? nako! Nakakahiyaaa!!' Napahawak ako sa buhok ko na medyo gulo-gulo. Hayst, muntik ko na nga pala makalimutan.

Napadako 'yung paningin ko sa isang uniform na naka sampay sa may hawakan ng cabinet ko. Mukhang tuloy na talaga 'yung pag pasok ko sa panibagong school. Wala eh, no choice dahil para na rin sa kapakanan ko na'to. Atleast? Makapag tapos ako.

Bumangon na 'ko mula sa pagkakahiga at nag i-stretch ng katawan pati mga braso ko, saka ako napahikab bago ko ayusin 'yung higaan ko. Maaga pa naman kaya kailangan ko munang mag review para sa entrance examinations ko, amp.

Kumuha na 'ko ng under-garments ko at 'yung susuotin kong uniform bago ako pumasok sa banyo.

Nagising ang diwa ko nang maramdaman ko ang maligamgam na tubig mula sa shower. Hayst, parang napagod ata katawan ko kaya medyo ramdam ko 'yung katamaran sa sistema ko. 'Wag naman sana.

Napatingin lang ako sa pader na tiles habang panay bagsak lang ang tubig sa katawan ko. Pumasok sa isipan ko 'yung Ryle Shin na 'yon.

'Bakit n'ya kaya ako dinala sa kwarto ko? Hmm, baka may concern kaya pagkagising ko eh, nasa kwarto na 'ko nakahiga. Buti nga at wala 'yon ginawa sa'king kakaiba habang natutulog ako, hmp!'

After kong maligo eh, nakapag bihis na rin ako. Nag blower muna ako ng buhok bago mag retouch sa mukha. Pang school routine make up 'yung ginagawa ko para simple lang.

Nag pabango na muna ako bago mag tali ng buhok. Tsaka ko tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ang cute nung uniform ng international school hehe, parang pang korean lang 'yung style, tapos, naka long sleeves with above the knee skirt.

Lumabas na 'ko ng kwarto saka bumaba ng hagdan para sumabay na sa kanila mag almusal. Nadatnan ko ro'n si Tito Ray, Mommy at si Ryle. Pero as usual parang wala pa rin s'yang pakealam sa mundo.

"Good morning, hija."

"Goodmorning, baby!"

"Ah hehe, good morning po, mom, tito." Saka ako umupo pero sa tabi ni mommy, na katapat ko naman si Ryle. But, he's busy eating his food.

May gusto sana akong itanong sa kanya, kaso, baka hindi n'ya ako sagutin nang maayos.

Kumuha ako ng bacon, eggs at fried rice. Nilagyan pa 'ko bigla ng maid sa baso ng juice kaya nag thank you naman ako sabay subo tapos nguya.

"Nga pala, Son. Bakit hindi mo samahan si Jane sa administration office nang makapag enroll na s'ya. Tutal, hindi naman big deal 'yon sa'yo, 'di ba?" Panimula ni tito, kaya napatingin naman ako kay Ryle na ngumunguyang napatingin kay Tito Ray.

Medyo kinakabahan ako sa isasagot n'ya. Nako, paniguradong hindi 'yan papayag kasi nga ayaw n'ya sa'kin, eh.

'Ayaw nga ba n'ya sa'yo, Jane?' Sabat naman bigla ng konsensya ko, hmp!

"Alright then, as a matter of fact? It's not a big deal for me." Kasabay nu'n ang pagtingin n'ya sa'kin nang kakaiba at bahagya pa itong nakangisi. That smirked again.. May mangyayari atang hindi maganda, eh.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon