Chapter 33

2K 37 1
                                    

****
.
.
Umalis muna saglit si Ryle, ni hindi man lang sinabi kung saan s'ya pupunta. Napabuntong hininga ako saka napatingin sa may bintana ng kwarto ko. Napatigil ako nung nag vibrate ang phone ko. Saka ko 'yon kinuha mula sa ibabaw ng drawer na tabi lang ng kama ko.

Nang binuksan ko 'yung phone ko. Puro kay Tiffany at Luke ang laman. Mostly sa ibang schoolmates ko pa. Inuna ko muna s'yempre 'yung bestfriend ko.

From: Tiffany

Hoy bruha! Ba't hindi ka man lang nag text sa'kin na nilalagnat ka pala?! Jusme! After nga pala ng klase, pupuntahan kita d'yan!

Napangiti ako nang bahagya dahil parang kapatid ko na rin si Tiffany, na sa tagal naming magkaibigan? Hindi talaga ako nagkamali na s'ya 'yung klase ng kaibigan na mag iistay sa anumang unos. Ni replayan ko s'ya bago ko naman tingnan 'yung kay Luke.

From: ♡♡ loves ♡♡

Loves? How's your feeling? Later pupunta kami d'yan ni Tiffany. I'll buy some foods and meds, okay? I love you loves.

Nanatili pa rin akong nakangiti habang nakatingin sa message ni Luke. Buti nalang at hindi n'ya ako kinakalimutan. God, sana walang quiz or test ngayon! Jusko. Ayoko pa namang ipagpaliban 'yung mga 'yon dahil importante talaga 'yon and mostly? Sa performance.

Ay 'yung last performance nga pala! Kinakabahan na 'ko. I hope na makisama 'yung kumag na 'yon..

Ang hirap bumangon lalo pa't masama ang pakiramdam ko. Gusto kong lumabas saka mag pahangin. Kahit man lang sa may garden area. Gumulong ako sa kaliwa at napahikab saka kinumutan ang sarili. Ang lamig talaga.

Napatigil ako nung narinig kong bumukas ang pintuan kaya napapikit ako. Tahimik ang paligid at tanging yabag ng mga paang papalapit sa aking direksyon ang aking naririnig.

Naramdaman ko ang pag upo n'ya sa may dulo ng kama ko at narinig kong parang may nilapag s'ya sa ibabaw ng drawer ko. Nanigas ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng kamay n'ya sa noo ko.

"Damn, this is my fuckin' fault. I didn't fetch her yesterday."

Buti't alam mo! Kakainis. May inuuna pa 'yung iba kaysa sa'kin na walang payong! Step-sis mo ako kaya responsibilidad mo ako!

Naramdaman ko 'yung pag tayo n'ya mula sa pagkakaupo saka napabuntong hininga pa s'ya. Mukhang lalabas na siguro s'ya. I don't want him here, seriously.

Narinig ko 'yung pag yabag kaya dahan-dahan akong napalingon. Nakita ko s'yang umupo sa may couch at agad na napatingin sa'kin na ikinalaki naman ng mga mata ko. Para akong aatakahin sa reaksyon ko.

"I just cooked for you." Nakatitig n'yang sabi kaya napatingin ako ro'n sa mangkok na nasa ibabaw ng drawer ko. Saka ako dahan-dahang bumangon.

"Ano 'to? Champorado?" Tanong ko nung kinuha ko 'yun.

"Tsk! It's lugaw, stupid." Bahagya akong napangiti na parang nagpipigil ng tawa.

Mukha kasing champorado e hahaha!

Kinuha ko 'yung spoon saka kinain ang lugaw na luto n'ya. Hmm, okay naman. Kulang ata sa calamansi or nilagang itlog.

"H-how's it?" Parang kinakabahan n'yang tanong kaya palihim akong napangiti habang kumakain.

"Masarap naman," ngumunguya kong sagot. Kaya para s'yang nakahinga nang maluwag sa reaksyon n'ya.

"Thank you rito, nag abala ka pang ipagluto ako." Bahagyang ngiti ko, at napatitig naman s'ya sa'kin habang naka-kagat labi then, umiwas ng tingin.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon