*******
.
.
Jane's POV
*****Nang matapos kong kumanta ay hindi ko talaga maiwasang kabahan sa harapan. Bahagya akong nagulat nung maraming pumalakpak kaya medyo napaangat ako ng tingin sa kanila.
"Bagong kaibigan namin 'yan! Wahahahahaha!" Tuwang tuwa na sabi ni Adrian.
"Hahaha! Napakatalent naman ng new comer oh!" Singit naman ni Nick.
"Ang galing ng Mameh Jane namin! Whooo-- aray! Peace tayo Papi Ryle hahaha!" Hirit ulit ni Adrian.
Pangiti-ngiti lang ako, pero hiyang hiya talaga! Grabe, ito 'yung pinaka ayaw ko ehh, 'Yung kakanta sa harapan, tapos maraming tao? Ghad!
"You have a wonderful voice, Miss Reyez. I'm really impressed." Nakangiting sabi ni ma'am kaya napatango nalang ako habang nakangiti.
"Tutal? Newcomer ka, eh may puntos ka sa'kin dahil mag isa ka lang naman--"
"Ma'am?!"
"What?!"
"Oh' bakit nag aangalan kayo?! Kita n'yong pinapatayo ko 'yung ilan sa into eh, pero hindi naman magawa! Konting puntos ang ilan!"
Napatingin naman ako sa kanina pang nakatitig sa'kin. Medyo nanlaki lang ang mga mata ko dahil mukhang kanina pa ata nakatitig sa'kin si Ryle na ikinailang ko naman.
Anong tinitingin-tingin mo d'yan?!
Pagkaupo ko eh, pinupuri pa 'ko nila Adrian, Yohan at Troy. Si Jake naman? Ayun, nakadukdok sa desk at mukhang natutulog pa ata.
Nung nag break time na eh, may ilan naman na lumapit sa'kin. Pangiti-ngiti lang talaga ako beh, pero nahihiya ako.
"Jane, sabay tayo kumain, pwede?"
"Oy, sa'kin s'ya sasabay, 'di ba?"
"'Wag nga kayong magulo, sa'min s'ya sasabay!"
Napatigil ako nung may nag tilian mula sa labas ng classroom, dahilan naman para mapatingin ako sa direksyon na 'yon.
"I'm looking for Jane Olivia Reyez, nandito ba s'ya?" Nanlaki ang mga mata ko nung nakilala ko kaagad kung sino 'to.
"Luke?" Banggit ko at napadako 'yung tingin n'ya rito saka ngumiti sa'kin.
Oh my ghaaaad!!! Nananaginip lang ba ako?! Dito s'ya nag aaral?! Waaaah!!!
"Ah sorry, but can borrow my girlfriend?" Nakangiti n'yang tanong sa mga kaklase ko at nag tilian naman 'to na parang mauubusan ng boses, jusko!
"Waaah! Taken na pala s'ya?!"
"Gurls! May pag asa pa tayo kay Prince Ocampo kyaaah!!"
"Sayang, taken na pala s'ya pre, 'no?"
"Akala ko pa naman single s'ya, haha!"
"Wasak na puso ko, dude hahahaha!"
Napatingin ako sa paligid nang napagtanto kong nanguna na nga palang lumabas sila Ryle Shin para mag breaktime. Napangiti akong nilapitan si Luke saka hinawakan n'ya naman ako sa kamay na dahilan para mapangiti ako lalo.
"'Di ko alam na dito ka na rin pala nag aaral, love." Nakangiti n'yang sambit, habang naglalakad kami patungong cafeteria.
"Ah hehe, kaka-enrolled ko nga lang kanina eh. Tsaka, 'di ko rin naman alam na dito ka rin, 'no? Haha." Sinulyapan n'ya ako nung malapit na kami sa cafeteria saka ngumiti.
"Then, I'll buy you some snacks everyday hahaha! Atleast hindi na 'ko mahihirapan pang dalhan ka sa school mo, 'di ba?"
"Ikaw talaga, nako, hmp! Pinapataba mo ata ako, eh?" Bahagya naman s'yang natawa at napagtanto kong nasa loob na kami ng cafeteria, and look? May ilan na napatingin sa'min.
BINABASA MO ANG
Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]
Romance••••••••••••••••••••••••••••••••••• ●[Darkwolves Series #1]● ••••••••••••••••••••••••••••••••••• ○ Ryle Shin Ocampo ○ ******************************** Former old title: My Possessive Stepbrother ----------------------------------------- "Being his s...