Chapter 25

2.2K 37 1
                                    

****
.
.
"Hey, loves?" Agad akong napatingin kay Luke. Nandito kami ngayon sa may bench kung saan, nandito rin sila Tiffany here at the Sky Ranch Theme Park.

"Bakit?" Inabot n'ya sa'kin 'yung binili n'yang ice cream na strawberry flavor kaya tinanggap ko naman 'yon.

"Thanks," ngiting sabi ko, saka naman s'ya napangiti at kinain 'yung chocolate ice cream n'ya.

"Pansin ko lang. Kanina ka pa tulala. May problema ba?"

"A-ah, problema? Wala..wala naman. Bakit mo naman natanong 'yan?"

"Hmm, para kasing ang lalim nang iniisip mo. You can freely tell me anytime, loves." Kaya napatango naman ako habang kinakain 'yung ice cream na hawak-hawak ko.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa Sky eye ferris wheel. Ito 'yung pinaka mataas na ferris wheel sa pilipinas. Maganda at mukhang safe naman kung titingnan mo. Pero, naalala ko lang. Takot nga pala ako sa heights. Mostly? Ayokong ayoko na titingin ako sa ibaba kapag nasa taas na ako o kami. Nakakalula.

"Wanna ride something?" Pero umiling lang ako.

"Gala nalang muna tayo sa paligid ng Sky Ranch."

"Sige, but let's finish our food first at baka matunaw haha!" Ngumiti lang ako pero hindi umabot sa mga mata ko.

Naiinis ako sa sarili ko. I should be fair enough. Coz I'm being so unfair. Mostly to Luke. But, when I did the right thing to avoid Ryle? I don't know.. kung ano man 'to? I can endure it.

Hinila ako ni Luke sa may maraming stufftoys. 'Yun bang tatamaan mo 'yung lobo? Tapos, kapag nakalima ka? May prize kang makukuha.

Binigay ni manong 'yung five mini arrows kay Luke. 'Yan 'yung gagamitin n'yang pantama sa mga lobo. Bahagya akong ngumiti habang pinapanood s'ya. Umatras muna s'ya nang kaunti at mukhang tinatantya n'ya kung paano patatamain.

Then, ilang saglit pa'y nakaputok s'ya ng isa, saka n'ya binasa ang ibabang labi n'ya. He looks hot, seriously. Habang seryoso n'yang pinapatamaan ang mga lobo. Napansin ko rin na may ilang mga babae ang napapatingin sa kanya. Kaya napailing nalang ako at tiningnan ulit si Luke.

After nu'n? Napangiti ako nung nakuha n'ya 'yung We Bare Bears na si Panpan, saka n'ya 'yon binigay sa'kin na ikinangiti ko lalo.

"I love you, loves."

"I love you too, thank you, ah? 'Di ka ba nahirapan sa ginawa mo?" Saka naman s'ya napailing bago mag salita.

"Nope, sanay na 'kong laruin 'yung mga gano'n. Mostly? Sa perya no'ng bata pa ako." Nakangiting sagot n'ya kaya napatango ako bilang tugon, pero nakatuon pa rin 'yung paningin ko sa Panpan na binigay n'ya.

Naglakad ulit kami habang nakaakbay s'ya sa'kin at akap-akap ko naman 'tong si Panpan.

"Uy gurl! Tara do'n! "

"Hala? bakit?"

"My ghad! Ang gwapo nung lalaking naka dark blue polo!"

Napalingon ako sa dalawang babae na 'yon. Kaya napansin kong parang may nagkakagulo na mga babae do'n sa may bandang carousel.

"Bhest!!" Tawag sa'kin ni Tiffany, kaya napa "nye" 'yung reaksyon ko nung makita na nando'n din at nakiki-tsismis. Kumaway s'ya sa direksyon namin ni Luke.

"Ba't hindi n'ya kasama si David?" Tanong ni Luke habang nakatingin din.

"Nag away ata sila ni Tiffany, kasi pansin kong hindi sila masyadong nag uusap ni David kanina." Napatango naman s'ya.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon