Chapter 30

2.2K 45 1
                                    

******
.
.
'Di ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang haba at tagal ng byahe from Tagaytay to Nueva ecija. Mariin akong nakapikit saka unti-unti kong iminulat 'yung mga mata ko.

Napagtanto kong nakahawak pa rin ang kamay ni Ryle sa kamay ko habang nakasandal 'yung ulo n'ya sa'kin kanina pa. Bahagya kong sinalat 'yung noo n'ya.

Ba't ang init?

Sasalatin ko 'yung leeg n'ya-"What are you doing?" Na dahilan para kumabog 'yung dibdib ko nung narinig ko 'yung boses n'ya. Agad kong binawi 'yung kamay kong nasa ere.

"Ang init mo. Masama ba 'yung pakiramdam mo?" Tanong ko naman.

"What if I tell you that I'm sick? Are you going to take care of me?" Parang halos mabingi ako sa tibok ng puso ko. Agad akong napaiwas nung napagtanto kong nakatitig na pala s'ya sa mga labi ko.

That look! It's really dangerous!

"Oo..I mean, bakit hindi, 'di ba? Step sis mo 'ko. Kaya na-natural lang na alagaan kita."

"Tss! Talaga lang, ah?" Napatikom tuloy 'yung bibig ko sa paraan nang pagkakasabi n'ya. Para bang nanghahamon!

"Yun oh! Hahahaha! We're finally hereeeee!!" Masayang singit ni Adrian.

"Ang sabihin mo! Excited ka--"

"Hep! Hep! Hep! 'Wag mong babanggitin ang pangalan n'ya't baka masako kita!"

"Hahahaha! Kunwari ka pa Ady!" Ani ulit ni Jake.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Hapon na't mukhang papalubog na rin 'yung araw sa may kalangitan. Nang makababa kami sa may tapat ng gymnasium. Kitang-kita ko rito ang mga ilan pang estudyante sa paligid na mukhang kararating lang din.

Napahikab ako saka napaunat. Inayos ko 'yung pagkakasukbit ko sa bagpack ko mula sa likuran. Nagulat ako nung may yumakap sa likuran ko.

"Thank God! Buti't nakita kita!" Bahagya akong napangiti saka hinarap si Luke.

"Kararating mo lang din ba?" Nakangiti s'yang napatango.

"Kasunod lang namin kayo kanina. So, mukhang bagong gising ka, ah?"

"Haha..nakatulog na kasi ako sa may van. Alam mo naman? Ang haba ng byahe para makabalik dito." Napansin ko namang nakasimangot s'ya. "Oh ba't ganyan 'yung mukha mo?"

"Tsk! Hay... hindi man lang tayo nakapag selfie sa Tagaytay. E, 'di sana may remembrance tayong dalawa ro'n--"

"Luke? It's okay. Besides? Okay na sa'kin 'yung nakapag date tayo sa may Sky ranch theme park. 'Di ka pa ba masaya ro'n?" Medyo nagulat ako nung pinisil n'ya 'yung ilong ko.

"I'm happy. But it's better to have some pics with you. Well, If my girl is happy? Then, I'am too." Bahagya s'yang ngumiti pero nagulat ako dahil hinalikan n'ya ako bigla sa labi. Agad akong napatingin sa paligid. Nakangisi s'yang nakatitig pa rin sa'kin.

"Let's go? I'll take you home." Naramdaman ko ang pagdausdos ng isang kamay n'ya sa bewang ko.

"S-sige.." 'Di ko alam, pero nalilito na 'ko sa nararamdaman ko. Mostly? Na ngayon e, kasama ko na si Luke. Parang nag rambol 'yung sistema ko.

Nung makaalis na kami ni Luke habang nasa loob ako ng kotse n'ya? May part sa'kin na, hindi mapakali. Parang may naiwan ako ro'n na hindi ko alam kung ano 'yon.

Am I being too paranoid or what?

"Loves? Ang tahimik mo ata?" Kaya bumaling naman ako sa direksyon ni Luke. Naramdaman ko na sumulyap s'ya sa'kin.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon