Chapter 60

1.4K 27 2
                                    


*******
.
.
Abala ako ngayon sa pag lilinis ng kwarto ng mga bata. Biglang may nag door bell kaya napatigil ako sa pag lilinis saka tinanggal yung apron at binitawan ang basahan.

Pagkarating ko sa pintuan ay agad ko itong binuksan. Nanlaki ang mga mata ko at napangiti.

"'Di ko alam na ngayon ang pagpunta n'yo, dad." Kasabay na pag yakap sa'kin ni dad, at nasa likuran naman si kuya kasama si Tyler. Nag bibinata na ang bunso naman, ah?

Agad ko silang pinapasok sa loob. "Ah, dad, kuya? D'yan muna po kayo sa may sala. Mag aayos lang po ako. Pasensya na po kung medyo magulo rito."

"Haha, it's okay, nak." Sagot naman ni dad habang nakangiti at saka ito umupo. Habang si kuya naman e, tumitingin pa rin sa paligid ng bahay.

"Asan nga pala yung mga pamangkin ko, baby sis?" Tanong naman ni kuya.

"Ah wait. Tatawagin ko lang." Sagot ko, pero tumingin muna ako kay Tyler na tahimik pa rin saka ito umupo sa may couch. 'Di katulad noon, haha. Makita lang ako, takbo kaagad papunta sa'kin.

He's getting taller right now, and  nakasuot ito ng plain dark blue shirt na panloob with dark faded jeans. Pamatong naman yung black hoodie while wearing a dog-tag necklace.

"Tyler, may juice sa ref. Pwede ka kumuha ro'n." Sabi ko sa kanya at tumango ito habang bahagyang nakangiti lang sa'kin.

Naglakad na 'ko saka hinanap 'yung mga anak ko. Pumunta ako sa may pool area. Nakita ko sila roon sa may cottage. Naglalaro ata.

"Kids? Dumating yung tito't lolo nyo. Andu'n sa may sala. Tama na muna kakalaro, okay?" Sabi ko sa kanila at agad na bumaba si Railey sa may cottage kasunod si Raven.

"Okie! mommy!!" Sabay takbo nito papasok sa loob. Habang si Raven naman? Ayon nag lakad papalapit sa'kin habang hawak-hawak yung libro.

"Uhmm, who's our lolo again? I forgot his name, and our tito po." Napangiti naman ako.

"Si Lolo Dennis n'yo. Tsaka si Tito Travis, kasama yung bunso namin. Ninong n'yo si Tyler. Sige na, pumunta ka na ro'n, and behave, okay?" Sabi ko rito at tumango naman, saka ako kiniss sa pisngi bago umalis.

Bumalik naman ako sa pag lilinis hanggang sa matapos ako. Nag unat unat ako ng mga braso ko, saka tinanggal ang mga gloves at panyong nakatali sa may ulo ko.

Lumapit ako sa may bintana at saka itinali 'yung kurtina kaso nahagip ng mga paningin ko yung isang bulto roon. Sa may tabi ng puno pero kinusot ko yung mga mata ko. Pagtingin ko ulit, wala naman. Jusko. Kung anu ano na ata nakikita ko.

Nag ayos na 'ko ng sarili bago lumabas ng kwarto ko.

"So, how's working with the Ocampo?" Panimula ni dad habang kumakain kami sa harapan ng hapag kainan. Katabi ko si Tyler at ang mga bata. Kaharap namin sila kuya at dad.

"Okay naman po." Sagot ko at sumabat naman si kuya.

"Then, who's your partner while working?"

Para naman akong nasa hot seat at papaulanan ata ako ng mga tanong.

"Ah, yung ka-batchmate ko sa may canada. Si Ezekiel Silverio, kuya." Napatango naman si kuya habang ngumunguya. Then, nilunok n'ya muna yung nginunguya n'ya bago magsalita ulit.

"Naging kaklase ko dati yung older brother n'ya. Si Eizen in BSMLS (MEDTECH) sa NU Laguna." Sagot n'ya.

"Ay akala ko sa Bulacan ka grumaduate, kuya."

"Ah, nope. Mas gusto ko 'yung atmosphere ng NU Laguna, kaysa sa Bulacan, haha." Ngiting sagot naman ni kuya saka sumubo ng bacon.

Tiningnan ko naman si Tyler na kanina pa tahimik habang kumakain.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon