Chapter 40

1.7K 40 4
                                    

******

Kinabukasan? Napagtanto kong bukas na pala 'yung birthday ni Wendy and it's her 18th birthday. Paniguradong maraming guest at relatives ang aattend dahil engrande ang event bukas.

And about the other night? Nagising nalang ako na nandito na 'ko sa kwarto ko. Bahagya akong napangiti nung nalaman ko nalang na si Ryle shin ang nagdala sa'kin dito. Well, I hope na okay lang 'yung panggagamot ko sa sugat n'ya. Kung saan saan kasi ata s'ya pumunta kaya ayan tuloy. Napailing nalang ako saka napatingin sa salamin na hawak ko.

Kasalukuyan akong nag susuklay ng buhok nang tumunog ang phone ko na ikinatigil ko naman. Saka ko ibinaba yung salamin at kaagad itong sinagot,

"Hello?"

[Hey love! Goodmorning!] Agad akong napangiti saka ibinaba ang suklay ko sa may ibabaw ng kama

"Goodmorning din, love! So, kumusta tulog mo?"

[Haha I should be the one who'll ask you, love. Well? It's great, and it's enough for me to hear your voice in the morning. I'm already here in your place.]

"Hala? Kanina ka pa ba nandyan?!" Natawa naman s'ya sa may kabilang linya kaya napanguso ako, but at the same time? Masaya ako kasi pumunta s'ya. Maybe, to have a quality time with me. These past few days kasi? Mukhang abalang abala s'ya sa mga gawain n'ya na hindi ko alam kung ano. Pero naiintindihan ko naman.

Matapos n'on? Ay agad na 'kong nag ayos ng sarili saka nag suot ng casual dress na simple lang. Nagpabango na rin ako bago lumabas ng aking kwarto.

Nakita ko s'yang nakikipag usap kay mommy sa may sala na mukhang seryoso silang pareho. Medyo nacurious ako kung ano 'yung pinag uusapan nila. Napatigil si Luke nung napansin n'yang nakababa na 'ko mula sa staircase.

"K-Kanina ka pa ba love?" Alanganing ngiti ni Luke na ikinataka ko naman. Pero ngumiti lang ako nang bahagya saka umiling.

"Kakababa ko lang ngayon, bakit?" Napatingin naman ako kay mom saka s'ya kaagad tumayo at nilapitan ako. Ngumiti s'ya na hindi umabot sa mga mata nito.

"Enjoy your date, sweety." Sabay halik sa'kin ni mom sa may pisngi na ikinangiti ko.

Date? So magde-date kami ni Luke?

"And Mr. Dominguez, take care of my daughter, okay?"

"Yes tita, I will and thank you po sa oras."

"Likewise, hijo. Sige na. Lumakad na kayo." Nakangiting sabi ni mommy.

"Ay teka, mom. 'Yung bag ko--"

"Nak? You don't need it, si Luke na ang bahala sa'yo haha." Napanguso nalang tuloy ako. At napatingin naman ako kay Luke nung nakaalis na si mom sa harapan namin. Ang weird.

"Let's go? Baka ma-late na tayo sa pupuntahan natin." Sabay hawak n'ya sa kamay ko bago kami maglakad papalabas ng mansion.

"Ehh? Male-late? Saan? Luke dominguez, may hindi ka ata sinasabi sa'kin e," Saka naman s'ya napangiti at sakto naman na makarating kami sa harapan ng kotse n'ya.

"Of course haha! Nag pa-reserved na kasi ako ng tickets natin sa isang movie bago ako pumunta rito sa inyo, love." Medyo nanlaki naman ang mata ko, saka n'ya naman ako pinagbuksan ng side door.

"Sakay na, at marami pa tayong pupuntahan haha."

*****
Nang makarating kami sa may mall? Bumaba na muna ako syempre sa may entrance area, at saka naman s'ya nagparada ng sasakyan sa may parking lot.

Wala pang 1 minute ay nakalapit na s'ya sa'kin, saka hinawakan ang kamay ko na ikinangiti ko bago kami makapasok sa may entrance ng mall.

Naalala ko kung paano n'ya ako pinasaya noong nililigawan n'ya pa 'ko noon. Ilang years na nga ba kami? Mag 2 years na rin siguro, and it was april 21 no'ng sinagot ko s'ya. Para nga raw s'yang nanalo sa lotto haha.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon