Chapter 45

1.5K 26 1
                                    

*******
.
.
Nang makarating kami sa mansion ay hindi ko mapigilan na makaramdam ng matinding kaba. 'Di lang maalis sa isip ko 'yung sinabi ni Geo bago kami makaalis ni ryle shin sa pacho.

"Malalaman at malalaman din nila Tito Raymond ang mga pinaggagagawa mo, kaya 'wag mo nang balakin pa na ilayo si Jane!"

Nanguna na akong bumaba mula sa sasakyan habang hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Something's gonna happen. Pero kutob ko lang.

Napatigil nalang ako nung makita ko 'yung mga hindi pamilyar sa'kin na sasakyang nakaparada sa may harapan ng mansion.

Isang Porsche at Mustang ang nakaparada. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam ko. Agad akong naglakad papasok sa mansion at nilapitan naman ako ng isang maid.

"A-Ahh, ma'am? Kanina pa po kayo hinihintay nila Sir Raymond at Ma'am Louisa sa dining area po." Saka naman ako bahagyang napatango bago lumakad papunta sa dining.

Nang makalapit ako sa kanila? Kitang kita ko rin dito na presentableng nakaupo si Geo at 'yung isa pang lalaki na mukhang kasing edad ko lang. He has blank expression while his arms are crossed.

"Oh, finally you're here, my dear." Nakangiting bati sa'kin ni mommy. Kaya alanganin naman akong ngumiti pabalik saka umupo sa tabi n'ya. Katapat ko ngayon si Geo na nakatitig sa'kin nang makahalugan.

Dumating din naman ng ilang saglit si Ryle shin. Nakikita ko s'ya sa gilid ng mata ko at tahimik na nakapamulsa.

"Have a seat, son. Bakit hindi mo batiin 'yung--"

"No need. I'm okay with this, and besides? It's been a years since they're both went off to canada. Still the same." Medyo nagulat ako dahil umupo s'ya sa tabi ko.

"Pfft, yeah. Still no change at all. Ryle will be still Ryle the jackass--"

"Just shut the fuck up, will you?"

"Enough! Ayan na naman kayo. Learn how to respect habang nasa hapag kainan tayo. The two of you are not kids anymore." Pagpapatigil ni Tito Ray kaila Geo at Ryle.

Ngumisi lang nang bahagya si Geo na parang walang nangyayari ngayon. Dumating naman 'yung dalawang maids na may mga dala dalang pagkain. Saka nila ito inilapag sa aming harapan. Pasta, desserts, drinks and beef stew.

"I guess, it's perfect that all of you are here. While we're eating? I have some announcement." Seryosong panimula ni tito. Kaya ako naman? Medyo kinakabahan. Idagdag mo pa 'yung atmosphere dito. Jusko. Para kang nasa hot seat.

Kinuha ko muna 'yung fork bago ko i-twirl 'yung pasta sa plate ko. Medyo nakakaramdam na rin naman gutom kanina pa. 'Di lang siguro ako nakakain mula kanina sa birthday ni Wendy, and about that..

"6 days before Jane's birthday, right Louisa?"

"Ahh, yes Raymond. Naisipan namin na magpa-party, and mostly? To introduce my daughter to all of our guests. Isn't that great?" Nakangiting sabi naman ni mom. Saka naman napatango si tito habang abalang abala ito sa pagkain n'ya.

"Well, I'll have to invite my friends, then." Nakangising singit ni Geo at saka naman n'ya siniko 'yung katabi n'ya.

"Hey Renzo, what do you think?"

Renzo?

Nagtaka ako kasi nakatitig ata s'ya sa kwintas na suot suot ko, kaya napatingin din ako. Pero seryoso pa rin ang ekspresyon n'ya saka nagtama 'yung mga mata namin. There's a coldness inside his eyes.

"Yeah.." tipid na sagot n'ya. 'Yung boses n'ya? Parang kapag kumanta ata 'to siguro? Maganda. Malamig at mararamdaman mo 'yung sinseridad. In short? Seryoso. Yun bang hindi mo pwedeng biruin.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon