Chapter 49

1.3K 29 0
                                    

*********
.
.
Masyadong na-preoccupied yung isipan ko dahil sa nangyari mula kagabi. 'Di rin ako masyadong nakatulog nang maayos. It's just—maraming tumatakbo sa isipan ko until now. I can't even concentrate from what I'm doing infront of my desk.

Nag-rereview pero parang walang pumapasok sa utak ko. Mostly? Ayoko. Ayoko muna syang harapin matapos ang mga nangyari mula kagabi. Masyado pa rin akong lutang, and I can't even digest it!

Iniisip ko rin kung papasok pa ba ako o hindi na muna? Like, baka mapansin rin ni Tiffany na parang broken na naman ako or something. Kilala nya ako. Kapag may problema ako? Hindi talaga ako pumapasok. I just wanna be alone. No time from getting along with the other people.

"But, I love you, Jane."

Bigla akong napahawak sa dibdib ko dahil naalala ko na! Aish! Mostly yung..yung..arghhhhh!! Hayst! Pa'no na ko makakapag concentrate nito? Kahit sa isipan ko pa pala e, guguluhin pa rin ako nung Ocampo na 'yon.

He's breaking the walls that I've created between us. The barrier walls. But in just one snap by him? Automatically it breaks easily, and I don't know what to do.

Parang namamanhid bigla yung mga binti ko kapag lumalapit sya. Naghuhuramentado palagi yung nararamdaman ko kapag nakakatabi sya, nor kapag nagiging possessive sya sa'kin? Parang naglalaro yung nasa loob ng tyan ko.

Sabihin nalang natin na, hindi kami blood related pero mali pa rin. Hindi kami pwede. Kahit may mga nararamdaman kami? Hindi pa rin pwede yung gusto nyang mangyari. About sa'min.

Napatingin ako sa isang pilas na papel na nakaipit sa notebook ko. Iniwan 'to nung taong 'yon sa locker ko. If In case na kailangan ko syang kontakin.

'If you change your mind? Just contact me.'

Napapikit ako nang mariin, saka nalang siguro. Marami pa dapat akong kailangang gawin at tapusin sa ngayon. I guess, kakailanganin ko rin sya pero hindi sa ngayon.

Isinarado ko yung notebook kung saan nakaipit yung contact number nung taong 'yon, saka ko inilagay sa loob ng bag ko. Napabuntong hininga ako at medyo nangangamba sa mga maaari pang mangyari.

Matapos kong makapaayos ng sarili ay lumabas na 'ko para kumain. Mga 8am pa yung pasok ko kaya okay lang na ma-late ako ng ilang minutes.

Maaga si Ryle kaya perfect yung timing. But I hope na pumasok na talaga sya nang maaga.

It still bothers me about sa ginawa n'ya kagabi. I can still feel his soft lips—Stop it, Jane. Just stop it right there.

Nang makababa na 'ko mula sa staircase ay binati kaagad ako nung isang maid ng "good morning" kaya bahagya lang naman akong ngumiti na hindi umabot sa mga mata ko. Agad na kong pumunta sa dining area para kumain.

Napansin ko na mukhang maaga ring umalis si Tito Ray, kaya naman nginitian ako ni mommy at niyayang kumain na. Wala yung mag ama kaya,  tutal? Nakahinga rin naman ako nang maluwag kahit papaano. I eat peacefully with my mom. No goons. No interruptions.

Nag ring bigla yung phone ko habang kumakain ako. Agad ko yun sinagot habang ngumunguya.

"Hello?"

[Bhesssst!!] Napangiti ako dahil mukhang okay na ata si Tiffany.

"Oh, kumusta ka na?"

[Ayon medyo umookay na hehe, tsaka, asan ka na ba? Nasa school na 'ko, bruha hahaha!]

"Nasa bahay pa rin. Pero patapos na , sige na mamaya nalang, ano?"

[Osya sya, ingat ka sa pag pasok, bhest! Muaw! *toot* *toot*]

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon