*******
Masyado akong nabagabag sa mga ikinikilos ni Ryle, lalo pa't ngayon? Masyado n'ya na akong nililito sa mga ipinapakita n'ya, ni hindi ko nga maintindihan 'yung sarili ko't parang may kung ano talaga na nag iiba sa damdamin ko pag and'yan s'ya.
"Oh, 'di ba? guys guys!" Inagaw ni Adrian 'yung atensyon namin nung nasa cafeteria na kami. Bale, katabi ko si Tiffany at Ryle naman sa kabila ko. Tapos, kaharap naman namin 'yung mga kateam-mates n'ya na kumakain ngayon.
"Tutal, malapit na rin naman 'yung camping natin? Why not should we start packing our bags, then? Para ready--"
"Ang sabihin mo dre, excited ka lang na makaalis sa puder ng lolo mo! Hahaha!" Singit naman ni Jake na ikinatawa ng iba. Napasimangot naman nang bahagya si Adrian na parang bata.
"Eh, nga pala? Uy Yohan, ano nga pala 'yung nabalitaan namin?" Nakangising baling naman ni Troy kay Yohan na ngumunguya ito ng burger. Kinunutan ni Yohan ito ng noo. "Yung sa babaeng--"
"Can you just not talk about her?" Halatang iritado nitong sagot kaya napa, 'woah' naman 'yung iba. Tapos ako? Tahimik lang na kumakain.
"Wushus! Kunwari ka pang ayaw mo s'yang pag usapan. 'Di ka pa rin nakakamove--"
"One more words about her.." Bahagyang hinawakan si Yohan ni Jake sa braso para pigilan, dahil mukhang iritado na talaga s'ya. Medyo kinakabahan nga ako eh-Dahil ngayon ko lang s'yang nakitang ganyan.
"Chill, okay? Chill." Pag aawat naman ni Adrian sa kanilang dalawa. Buti nalang at hindi nakuha nila 'yung atensyon ng ibang estudyante rito. Grabe ba naman kasi kung aasarin ni Troy 'tong si Yohan. Jusko, mga lalaki nga naman.
Halata naman sa mukha ni Troy ang bahagyang ngisi, habang nakatuon na 'yung atensyon nito sa pagkain.
Napansin ko naman 'yung pag lapit ni Tiffany sa'kin na parang may ibubulong, "Buti pa si David, ang tahimik oh? Hihihi~" Napangiwi naman ako sa sinabi ng bruhang 'to.
Si David kasi 'yung crush ni Tiffany, since when we're 1st year high school students. Then ayun, dahil du'n sa kabaliwan ni Tiffany kay David? Naka moved on ang gaga sa ex boyfriend n'yang napaka yabang.
"Ay sheeeet!!" Napagitla naman ako sa pag tili ni Tiffany sa gilid ko. Kunot noo ko s'yang tinignan. Tapos s'ya nakatuon sa phone. "My ghash! Uuwi na pala si Wendy mamaya!"
"Sinong Wendy ba 'yan? Si Wendy Sy ba?" Singit ni Jake habang ngumunguya, saka naman tumango habang nakangiti itong si Tiffany.
Wait wait! Si Wendy?! 'Yung kasabayan namin sa quiz bee, tapos, campus queen ng school namin dati!
Sumilip ako nang bahagya sa phone ni Tiff. Tapos, agad n'ya namang inilayo sa'kin 'yung phone na ikinanguso ko naman.
"Ang daya naman."
"Hehe, sa'min-sa'min lang 'to. Malalaman mo rin naman, eh." Ngising sabi n'ya kaya napabuntong hininga ako. Saka kinagat 'yung burger sa plate ko.
"Hi Ryle Shin~" bungad ng isa. I mean tatlong babae na nandito sa harapan ng table namin. Puro kolorete sa mukha at-okay! Mukhang talo ako sa hiniharap nitong mala watermelon, hmp!
Tiningnan naman sila ni Ryle saka bumalik ang paningin n'ya sa kinakain n'ya.
"You're so rude, Ryle Shin. I mean, don't you remember? You said you'll have a tougher time with me?" Malandi pang saad nito na dahilan para makaramdam ako nang kakaibang inis.
"I remember. But, I have a schedule later."
"With whom? Another bitch?"
Natahimik ang iba, mas lalo na ako. 'Di na 'ko magtataka na ang isang Ryle Shin Ocampo? 'Di nawawalan ng mga babae 'yan. A jerk is still a jerk.
BINABASA MO ANG
Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]
Romance••••••••••••••••••••••••••••••••••• ●[Darkwolves Series #1]● ••••••••••••••••••••••••••••••••••• ○ Ryle Shin Ocampo ○ ******************************** Former old title: My Possessive Stepbrother ----------------------------------------- "Being his s...