Chapter 51

1.3K 34 10
                                    

******
.
.
After that night? Naitulak ko rin naman si Renzo nung nakita kami ni Ryle at saka ako tumakbo papalayo sa mga nangyayari. Sa lugar kung saan niloko ako ng lahat.

Nasa bahay ako ng bestfriend ko. Pinagbihis n'ya ako gamit yung mga damit nya. I'm wearing a loosy shirt and jogger pants. Ilang araw na 'kong nag iistay dito, dahil hindi pa 'ko masyadong handa na harapin ang lahat. Pero, after that? Sinundo rin ako ni Travis, or I should call him Kuya Travis.

○○ Flash back ○○

"Oh, eto tissue." Sabay abot pa sa'kin ni Tiffany ng box of tissues. Kaya tinanggap ko naman 'to.

"Tha-thank you, bhest," sabay singhot ko habang naiiyak pa rin. Saka ako humugot ulit ng tissue, para magpunas bago magsalita ulit.

"Pwede bang dito na muna ako? A-ayoko kasing makita muna sila mommy at sila Ryle. So-sobrang sakit pa rin nung nandito sa dibdib ko." Humihikbi kong sabi, kaya napabuntong hininga sya saka hinagod ang likuran ko.

"Sige lang, bhest. I know masakit na nagsinungaling sila tita sayo, pero malay natin, 'di ba? Baka may rason naman sya kung ba't nya 'yon ginawa-"

"Kahit na. May karapatan pa rin naman akong malaman at makilala kung sino yung totoong daddy ko, na akala ko? Patay na.. Jusko, 'di ko na alam." Ani ko. Nag ring bigla ang phone ni Tiffany kaya agad nya 'yong sinagot.

"Hello?-At bakit mo naman sya hinahanap?" Kitang-kita ko ang pagpindot ni Tiff. sa speaker ng phone.

[ Just answer my fucking question! Where's Jane?! I'm here infront of the building from where you are right now! ]

Napatakip nalang ako ng bibig at pinipigilan ang paghagulhol ko nang marinig ko ang boses nya. He's here. He still looking for me. I wanna see him, but I can't.

"Wala sya rito. Ba't ba ang kulit mo?! Umalis ka na! Nagsasayang ka lang ng oras-ay pinatay?" Sabi ni Tiffany saka ito tumingin sa may bintana. "OMG! Papunta na sya rito!!" Nagpapanic na sabi sa'kin ni Tiffany.

Kung walang pipigil sa kanya? Then, I'll do it. Tumayo na 'ko mula sa pagkakaupo ko sa may kama, at agad kong pinunasan ang mga luha ko.

"Uy bhest! Anong gagawin mo?"

"I think, this is the best thing to do. Pipigilan ko nalang s'ya. I have no choice, but to do this." Pilit na ngiti ko habang nakatingin kay Tiffany. Kitang kita ko sa mga mata nya ang awa. Napabuntong hininga sya.

"Kung yun talaga ang desisyon mo, bhest. Sige, kasi you're choosing the right decision. I'll still support you naman e." Saka ito lumapit sa'kin at niyakap ako. Napayakap na rin ako at naiiyak. Masyadong mababaw ang emosyon ko.

Kumalas na s'ya at hinayaan nya akong lumabas na ng apartment n'ya. Huminga ako nang malalim at napatigil nung nakita ko sya. Medyo hinihingal at mukhang kakatakbo nya lang galing labas.

"Jane.." kasabay na paglapit nya sa'kin na ikinalabog ng dibdib ko.

"Please, Ryle.. umalis ka na." Madiing sabi ko. Pero hindi sya nagpatinag at hanggang sa makalapit na talaga sya sa'kin.

"No, I'll fucking stay in here. I hate it when you suddenly run away. I wanted to surprise you, coz' it's your birthday.."

"Ryle, can't you see? Naging magulo na nung ipinagpatuloy mo yang nararamdaman mo para sa'kin! Hindi na tama 'to! So please? Can we just stop?!" Nanginginig na sigaw ko sa kanya. Umiling sya at namumula na rin ang mga mata nya. It hurts seeing him like this. I'm pushing him away.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon