*****
.
.
Bahagya s'yang ngumiti sa'kin habang hawak-hawak n'ya ang mic at nakatitig pa rin s'ya sa'king mga mata. Pero bakit? Bakit si Klein? Hindi ko maintindihan.Nang matapos kong mag-piano ay nagpalakpakan ang ibang estudyante na may kasama pang hiyawan. Alanganin naman akong ngumiti sa harapan saka nag bow.
"Whooo!!! Ang galing n'yong pareho!"
"Grabe!!! Ang ganda ng boses ni Klein! My ghash!"
"One more pa kyaaaahh!!"
Medyo nahiya na 'ko, saka agad na naglakad na papuntang backstage at hindi na nilingon pa si Klein. Nang makababa na 'ko sa may stairs ng backstage ay, "wait, Jane!" Saka ko naman nilingon si klein.
"Sorry kung sumingit ako, I know you're not okay with it."
"Ahh...H-hindi. Okay lang talaga, pero..salamat sa tulong mo." Saka ko kinuha 'yung bag ko mula sa may upuan. "Kung hindi dahil sa'yo? Baka kanina pa 'ko napahiya." Bahagyang ngiti ko, pero hindi umabot sa mga mata ko. Nalulungkot rin ako syempre na naiinis kay Ryle at the same time.
Kitang kita ko ang pagngiti n'ya na labas ang bilo nito. "My pleasure, ayoko lang na kumanta ka nang nag-iisa." Seryoso n'yang sagot. Kaya napatigil ako.
Ba't ganyan s'ya mag salita?
Matapos no'n ay sumabay na rin sa'kin si Klein papuntang audience seats. May naka reserved na pala sa'kin na upuan at katabi no'n 'yung iba pang Darkwolves. Kaso wala pa ring Ryle na dumating.
Pag-upo ko ay pag puri naman sa'kin nila Yohan at Adrian. Kaya napangiti nalang ako saka nag thank you.
"The next performer will be miss Michaela sanchez as she sings the song titled, 'Wouldn't changed a thing'!" Nagpalakpakan naman kami saka nakita s'yang naglalakad kasama ang- what the hell..
"Why she's with our prince?!"
"Ano ba yan!"
"Akala ko ba sila Jane and Ryle 'yung mag-peperform gurl?!"
Bahagyang nangilid ang mga luha ko saka ako napatingala para pigilan 'yon. Umigting ang bagang ko sa inis. Yeah, I'm freakin' hurt about it. He fooled me! Sinasabi ko na nga ba.
Para akong napahiya sa nakikita ko ngayon, na parang mas pinili pa talaga ni Ryle na makasama sa harapan ng stage si Mica, instead of me. Napayuko ako habang nakayukom ang mga kamao ko sa ibabaw ng lap ko.
Nagsimula na silang tumugtog at kumanta nila Ryle. Pero hindi pa rin natatapos ang bulung-bulungan ng mga estudyante rito.
"Jane?" Napatigil ako nung narinig ko ang boses ni Yohan, pero hindi ko s'ya tiningnan.
"Bakit?" Pinilit kong gawing normal ang boses ko.
"Ayos ka lang ba? I know hindi naging mag--"
"Haha, 'yon ba? Okay l-lang! Sige, pupunta muna ako ng cr."
"Uhmm sure.." tugon n'ya naman kaya tumayo na 'ko. Ayoko lang natapusin pang pakinggan ang kanta ng dalawa sa may harapan ng stage. Alam kong napapatingin sa'kin ang iba pero hindi ko na inintindi pa 'yon.
Pumunta nalang muna ako sa may left backstage sa kabila. Tutal, konti lang 'yung nando'n na mukhang nakatapos na sa pag peperform. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako natatakot. Hindi talaga. Ang kapal kapal ng mukha n'ya, ah?
Nang matapos sila e, ako naman? Nakadekwatrong nakaupo sa may gilid kasama ang iba. Nakita ko silang pumasok galing sa stage. Nang magtama ang aming paningin? Sumibol bigla ang galit na nararamdaman ko, 'di ko na napigilang mapatayo at saka s'ya sinugod.
BINABASA MO ANG
Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]
Romansa••••••••••••••••••••••••••••••••••• ●[Darkwolves Series #1]● ••••••••••••••••••••••••••••••••••• ○ Ryle Shin Ocampo ○ ******************************** Former old title: My Possessive Stepbrother ----------------------------------------- "Being his s...