Chapter 62

990 17 2
                                    

********
.
.
Halos 'di ko maalis ang paningin ko sa kanya. Kung titigan n'ya ako parang may gusto s'yang gawin sa'kin. Sobrang seryoso ng mga matang 'yon.

After n'on ay naiwas ko na ang paningin ko sa kanya saka napatingin sa screen ng phone ko. Napabuntong hininga at ramdam na ramdam ko pa rin ang titig n'ya sa'kin.

'Wala ba s'yang balak alisin 'yung pagkakatitig n'ya sa'kin? Damn, stop staring!'

Maya maya pa'y nakita ko si Kiel na papalapit na rito sa table ko habang hawak-hawak yung tray. Ngumiti s'ya sa'kin nung tumingin s'ya saka n'ya 'yon inilapag sa table.

"'Sensya na, ah? Medyo nagkaproblema lang dahil nagkaubusan daw ng chicken, haha." Sabi n'ya kaya napangiti ako nang bahagya.

"Okay lang, ano ka ba? Haha." Sagot ko naman saka s'ya tinulungan sa pag kuha ng pagkain mula sa tray.

Habang kumakain kami ay 'di ko maiwasang mapatingin sa pwesto nila Ryle na kumakain din. Sinusubukan pa ngang subuan ni Mica si Ryle, kaso ayaw naman nito, panay iling habang ngumunguya. Kaya kitang kita yung pagsimangot ni Mica na ikinangisi ko habang ngumunguya rin.

'Ano ka ngayon? Hala sige ipilit mo pa, teh!'

"Jane?" Singit ni Kiel.

"Hmm?"

"It seems like you're enjoying today, huh?"

"Ah, hahaha! Sarap kaya kumain dito." Sabay subo ulit saka ngumuya. He just chuckles as he continues to eat.

After naming kumain ay nagpaalam muna ako kay Kiel na mag CR lang muna ako. Kaso nararamdaman ko pa rin yung titig nung kumag bago ako makapasok sa CR.

Nag retouch muna ako sa may harapan ng salamin after kong makapag hugas ng kamay. Then, biglang may pumasok. It's Mica, nakasimangot nga e. Hahaha.

Napatingin pa s'ya sa'kin saka ko naman s'ya tinaasan ng kilay.

'Anong tini-tingin tingin mo d'yan, ah?'

"Ah, kaya pala sinusungitan ako ng fiance ko dahil andito ka rin." Sarcastic na sabi n'ya, saka nilapag yung handbag n'ya sa may sink. Mag reretouch din ata.

"Huh? May sinasabi ka?" Saka kinuha 'yung suklay ko mula sa paper bag.

"Bingi ka ba?"

"Hindi, bakit? Ikaw ba?" Pabalik na tanong ko habang nagsusuklay at kitang kita ko na mukhang naiinis na s'ya.

Sino ba nagsimula, aber? Haha.

"Kung 'di ka lang siguro dumating sa buhay namin? Baka ako pa rin 'yung piliin, not you!" Napataas tuloy kilay ko sa sinabi n'ya.

"Wow! Ako pa talaga? Kasalanan ko? Or kasalanan mo kasi 'di ka nagustuhan dahil sa ugali mo? Matalino ka sana e. But you're not using this." Kasabay point ko sa ulo ko saka ngumisi nung kitang kita sa mukha n'ya ang galit. Tinalikuran ko na s'ya kaso bigla n'yang hinila buhok ko.

"Hayop ka talaga, Reyes!"

"A-aray! Ano ba?!" Sinabunutan ko rin s'ya. Ang sakit sa anet, beh, ah?

Bigla n'ya akong binitawan sa buhok kasabay na tinulak n'ya ako sa may sink. Kinuha n'ya bigla yung pang bomba ng bowl na ihahampas n'ya sana sa'kin, pero nakailag din ako kaagad saka sya sinipa sa may tyan na dahilan para matumba sya.

Kunot noo ko s'yang tiningnan bago s'ya tinalikuran. Akma ko na sanang kukunin yung paper bag nang hilahin n'ya ako sa right leg na dahilan para matumba ako.

"Aray! Ano ba Mica?!" Bigla n'ya akong dinaganan saka sinabunutan at malakas na pinagsasampal.

"Dapat sayo mawala! Ahhh!!! Mawala ka na sa buhay namin!!"

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon