Chapter 16

2.8K 55 3
                                    

********

Doon ko lamang natitigan nang diretso si Luke, and he looks so serious about it. Dahan-dahan kong hinawakan 'yung isang kamay n'ya saka bahagyang ngumiti.

"Imposible namang mangyari 'yon, love. Boyfriend kita at stepbrother ko lang s'ya. I hope you'll understand it."

Medyo nanlaki ang mga mata ko nung lumapit s'ya nang bahagya sa'kin at naramdaman ko ang paghalik n'ya sa noo ko.

"I will, but understand my part in here, Jane." Makahulugan n'yang sagot, bago bumalik ang paningin n'ya sa harapan.

Nung nakarating na kami sa tapat ng gate. Napansin kong wala pa do'n 'yung kotse ni Ryle. "Salamat sa paghatid, ha?"

"No problem, love. Just take care of yourself inside and sleep well, okay?" Tumango naman ako saka napangiti s'ya't hinalikan ako sa pisngi bago ako bumaba ng sasakyan n'ya.

"Drive safely." Pahabol ko bago naman n'ya pinaandar 'yung kotse at umalis na. Medyo nababahala lang ako sa nararamdaman ni Luke sa ngayon. I don't know, but it really bothers me.

Nag vibrate bigla 'yung phone ko, nung papasok na 'ko ng mansion. Saka ko 'to sinagot,

"Hello?"

[ It's me, Yohan. Asa'n ka ba ngayon? ] napatigil ako saglit, ah s'ya nga pala 'yung nakakuha rin ng phone number ko.

"Nasa bahay na, bakit?"

[ pwede ka bang pumunta sa Jaguar club? It's my cousin's birthday. If you don't mind. ]

"Hmm sige, sa'n ba 'yan?"

[ I'll give you the exact address of this club don't worry, just wear some casual clothes nor dress. ] saka n'ya in-end 'yung call kaya napabuntong hininga ako. 'Di naman siguro masama na pumunta e, tutal nasa legal age naman ako. So, why not? I should call Tiffany too.

Sinalubong ako nung isang maid at sinabing nag out of town si mommy, kaya si tito nalang 'yung naiwan dito. Ngumiti lang ako nang bahagya saka nag thank you nalang. Masyado namang ini-stress ni mom 'yung sarili n'ya sa work.

Nung nasa loob na 'ko ng kwarto ko, naisipan ko munang humiga saglit sa kama ko. Ramdam ko ang medyo pagod sa katawan ko habang nakatingin lang ako sa kisame.

Naalala ko bigla 'yung mga kakaibang tingin ni Ryle sa'kin. Ayokong magdesisyon kaagad, dahil maski ako? Masasaktan sa pipiliin kong desisyon. Ayokong pairalin 'yung damdamin ko. Dahil sa hule? Talo lang ako.

Maraming masasaktan, sila mommy at tito, mostly si Luke. And worst? Kahihiyan sa school na pinapasukan namin, lalo pa't alam nilang mag step siblings kami at boyfriend ko pa si Luke.

Issues will be the worst one for me. So, I'd better stay away from it. Napag desisyunan ko nang bumangon at mag shower muna bago ko tawagan si Tiffany para isama rin s'ya.

--------

Matapos kong makapag shower at makapag get up na? Narinig ko na 'yung boses ni Tiffany sa baba kaya last retouch? Nag lipstick nalang ako bago lumabas ng kwarto.

"Ay, bet ko 'yang suot mo, besh haha!" Nakasuot s'ya ng black fitted dress with killer heels. Tapos, naka pony tail s'ya at nakakulot pa 'yung dulo ng buhok n'ya.

"Mas bet ko rin naman 'yang suot mo, e."

"So, palit tayo? Ganern? Hahaha!" Natawa rin ako habang naglalakad na kami papalabas ng mansion. Agad ko namang binigay sa kanya 'yung address ng club. "Hala, d'yan tayo pupunta?"

"Oo, sabi ni Yohan. Birthday kasi ng pinsan n'ya kaya naisipan nilang mag celebrate sa club instead sa mansion." Tumango naman s'ya bago paandarin 'yung engine ng sasakyan n'ya.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon