Chapter 24

2.2K 38 1
                                    

****
.
.
'Di ko nalang inintindi 'yung dalawang lalaki sa tabi ko. Abala ako habang tinitingnan 'yung niluluto ni kuya na binili ko.

"Ah, hi miss." Na dahilan para sulyapan ko 'to. Pero saglit lang 'yon. "'Di ba ikaw 'yung kasama nung Ocampo?"

"Hmm, ba't?" Hindi interesado kong tugon.

"Bakit mag isa ka lang? "

"Eh, sa gusto ko e." Simpleng sagot ko. Kaya napansin kong napakamot naman s'ya sa kanyang batok.

"Gusto mo bang ilibre kita n'yan?"

"No thanks." Ba't ba ang kulit nito?

"Ano--"

"Is there any problem in here, mga pare?" Biglang singit nung nasa likuran ko na dahilan para lingunin ko 'to.

"Oh, ikaw pala Yohan." Ngumiti naman s'ya saka tiningnan ang dalawang lalake.

"Bibili ba kayong dalawa o ano?"

"A-Ahh tumingin lang kami rito, tara na nga Gab." Mukhang disappointed na sabi nung isa. Kaya naramdaman ko 'yung pag alis nila, na sakto naman 'yung pag kuha ni kuya sa mga niluluto nitong fishball sa may kawali.

"Kilala mo ba 'yung mga 'yun?" Tanong ko kay Yohan, saka naman s'ya napa cross arms habang nakatingin lang din sa niluluto na fishball.

"Yes, taga school din natin 'yung dalawang unggok na 'yun. Sila Gab at Francis. Mga soccer player ng campus. Mostly? Mga gago rin." Bahagyang nakangisi n'yang sabi. Saka naman ako napatango at inabot na ni kuya sa'kin 'yung isang plastic cup na may lamang fishball with barbeque. Sunod naman 'yung naka plastik na mga isaw.

"Ang kulit nung isa, 'yung Francis ata." Narinig ko naman s'ya na natawa.

"Ewan ko nalang kung mangulit pa 'yun kapag iplinakda ni Ryle haha!" Natatawang napailing si Yohan kaya nagtaka naman ako, at nagsimula na kaming maglakad pabalik ng van.

"Pa'no mo naman nasabi?"

"It's just, I know Ryle will gonna do that thing. Mostly, to a person, like you." Na dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at nanguna na si Yohan. 'Di ko alam pero parang natulala ako sa huling sinabi ni Yohan sa'kin. Imposible naman 'yun.

Mostly to me? Well, it's really impossible.

Napailing nalang ako at napabuntong hininga bago maglakad papuntang van. Nakabukas pa rin ang pintuan ng van kaya madali kaagad akong nakapasok.

"Uy! Ang bango n'yan, ah?" Panimula bigla ni Adrian.

"Jane, ano 'yan? Sa'n mo nabili 'yan?" Sabat naman ni Jake.

"Tss! Would the two of you just shut up? Tsk!" Iritadong sabi naman ni Ryle, at pag kaupo ko sa tabi n'ya. "What the hell is that?" Kunot noo n'yang tanong nung inibot ko sa kanya 'yung may fishball at barbeque.

"Ah, masarap 'yan." Nakangiting sabi ko, saka naman n'ya kinuha mula sa kamay ko. "Fishball 'yang mga bilog na 'yan, tapos may kasama s'yang sauce na matamis. Try it." Nakatingin pa rin s'ya sa may fishball saka dahan-dahan n'ya namang kinuha 'yung stick.

Habang ako? Masaya lang ako habang pinapanood s'ya. Kasi mukhang first time n'ya eh, haha!

Kunot noo n'yang itinusok 'yung fishball na nasa ibabaw saka isinawsaw sa sauce habang hawak-hawak n'ya 'yung plastic cup. Saka n'ya 'yun isinubo at nginuya.

"Ano? Masarap 'di ba?" Nakangiting tanong ko. Nakakatuwa lang. Why? Kasi, kunwari 'yung kasamahan mo na foreigner or mayaman na tao e, hindi pa nakakatikim ng street-foods or what.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon