Chapter 20

2.5K 43 1
                                    

****
.
.
Agad ko s'yang itinulak nung naalala kong nandito si mommy sa harapan namin. Geez. Nakakahiya. Kaya napatingin ako kay mommy. Medyo nakahinga lang ako nang maluwag dahil busy s'yang tinitingnan ang mga paper bags.

Napatitig naman sa'kin si Ryle na parang nagtataka pero nakakunot noo. Sinimangutan ko nalang s'ya at hindi nalang nag salita, saka ko na kinuha 'yung mga paperbags at tumayo na mula sa pagkakaupo ko sa sofa.

"Where you are goin'?" Panimulang tanong n'ya kaya nilingon ko s'ya.

"Sa kwarto ko, saan pa ba? Hmp!" Kasabay na paglakad ko paakyat ng hagdan at agad kong binuksan 'yung pinto ng kwarto ko, saka ko kaagad ito isinarado't napasandal nalang ako bigla sa likod ng pintuan.

Napabuntong hininga ako't inilapag nalang muna sa tabi ng study table ko 'yung mga paperbags. Naalala ko lang na may activity pala kaming kailangang gawin. Like, what the hell?! Dapat kasi by alphabetical nalang 'yung pairing eh!

Napanguso ako at napatingin sa salamin, saka ko binuksan 'yung cabinet ko para kuhanin 'yung under-garments ko't damit bago pumasok sa cr.

Habang nasa kalagitnaan ako nang paglilinis ng katawan ko? Napaisip lang ako saglit.

Ano naman kaya 'yung kakantahin namin mamaya? Tsaka, hindi ko pa naririnig na kumanta si Ryle. Hindi naman sa nag-eexpect ako na maganda or something. It's just, nakaka-curious.

Napahikab nalang ako saka ipinapatuloy nalang ang pagkukuskos ko ng braso.

Nang matapos ako eh, nagbihis na ko't lumabas na ng cr, habang nag pupunas ako ng buhok? Tinawagan ko si Tiffany dahil may sasabihin pa pala ako sa kanya. Nakalimutan ko kasi, hayst.

"Huy, kumain ka na?"

[Oo haha, kakatapos nga lang beh. So, ano nga ulit 'yung sasabihin mo? ] napabuntong hininga ako bago mag salita.

"'Wag kang titili, ha? Jusko." Saka naman s'ya natawa sa kabilang linya.

[Haha, I'll try po, so ano na? ]

"Bi-bigla n'ya akong hinalikan nung nagsasalita ako dahil naiinis ako--"

[Kyaaaaaaahhh!! Oh mah ghad!!!] Taksil leche! Kaya inilayo ko 'yung phone sa tenga ko. Kahit kailan talaga nako!

"Oh ano? Tapos ka nang tumili?" Masungit kong tanong kaya naman napahagikhik pa ang loka.

[Oo hahaha! Grabe, iba rin ang kamandag ng isang Ocampo, mamshie! Then, ano pang nangyari? ] napa irap nalang ako bago magsalita habang nag papatuyo ng buhok.

"Well, after nu'n? Hinatid n'ya na ako sa mansion namin. Jusko, 'di ko na alam 'yung gagawin ko, beh."

[may magagawa ka pa, kung hindi ka nga lang nagkakagusto sa lalaking 'yun. And besides? You have Luke, bhest. But here's a thing. Alam mo naman 'yung sitwasyon n'yong dalawa, 'di ba? Kaya habang maaga pa? Iwasan mo na. Bilang bestfriend mo, Jane. Ayokong ikaw ang masasaktan sa hule or either Luke.] Suminghap ako at saglit na napa isip.

"Alam ko. Pero kasi, Oo. Tama ka naman, kaso pinipilit ko naman eh--"

['Wag mong pilitin, bhest. Gawin mo kung ano ang tama. Hindi naman sa nagiging bias ako or what, okay? Support naman kita eh, kaso kung alam mo namang mali? Pigilan mo na. Nako! Ewan ko ba, Haha basta. 'Yung sinabi ko sa'yo, I hope na makatulong.] Napabuntong hininga ako saka pinilit na ngumiti.

"Salamat, beh ha? Jusko, 'di ko na alam ang gagawin ko kung wala ka. Thank you talaga."

[Juseyo hahaha! 'Wag ka nga mareng Jane! Tsaka, stop na natin 'yung pag dra-dramang 'to na para akong nasa soap opera! Hahaha!] Bahagya naman akong natawa.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon