Chapter 57

934 28 2
                                    

*****
.
.
Third person's POV
********
.
.
May isang Lamborghini ang tumigil sa harapan ng Police station. Saka bumaba ang isang lalakeng naka formal suit habang may dala dala itong formal black case.

Pagkapasok nito ay napatingin kaagad ang mga pulis sa kanya, saka nya inilapag sa ibabaw ng desk yung case sabay binuksan n'ya 'to sa harapan ng dalawang pulis.

"Here's the payment for his case. Now where's Mr. Sy?" Seryosong tanong ng lalakeng 'to sa isang pulis.

Agad naman na tumawag ang pulis sa telepono sabay sabing, "The payment is here. Paki labas si Mr. Sy mula sa kulungan." Saka ito ngumisi.

"And here's the double payment." Kasabay na pag pitik nung lalake at may pumasok na isa pang armadong lalake na may dala dalang formal case, na naglalaman nu'n na limpak limpak na pera.

"Nako, ser. Matutuwa ang mga pamilya namin dito, haha." Natutuwang nakatingin ang isang pulis sa mga nakabukas na case na puro pera ang laman.

"That's Mr. Sy's gift for the both of you. Now take me to where Mr. Sy is." 

Maya maya pa'y nakarating na kaagad sila kung saan naka kulong si Kaizer Sy. Nakaupo ito sa sahig at nakasandal habang ito'y naka yuko.

"Kaizer Sy. Makakalabas ka na." Sabi ng isang pulis na nag bukas ng kulungan nito, na dahilan naman para mapatunghay ito at makikita mo ang itsura nitong may bigote na. Body builder pa rin ang pangangatawan nito kung kaya't parang nag e-exercise rin ito sa loob ng kulungan.

"Finally," Ngumisi ito't saka nag unat unat at tumayo saka naglakad papalabas ng kulungan. "So, anong balita sa labas, Marco?" Seryosong tanong nito sa lalake.

"Marami po kayong kailangang ayusin, Master Kaizer."

"Ohh, hahaha, I remember. Is that fuckin' bastard's still alive?" Nakangising tanong ni Kaizer kay Marco, saka nito binigay sa kanya ang susuotin na nakalagay sa may black case.

"Yes, Master. He's still managing their company with his fiance. A daughter of Sanches group." Bahagya naman 'tong nag kunot noo pag katapos nito mag hubad ng pang itaas.

"Hmm, I see. It's not the girl that I've met before. Interesting. Oh, where's my phone? Hand it over to me." Saka naman agad binigay ni Marco ang phone sa kanya.

Dinial n'ya ang isa sa mga pinagkakatiwalaan n'ya. Agad itong sumagot.

[ Yes, boss? ]

"Pakihanda yung mga kailangan ko dyan, and mostly? Call the members of Resonance flare, now." Sabay in-end ang tawag nito saka inayos ang sarili.

"Let's give that fuckin' Ocampo a warm welcome from us that he'll never forget." Dagdag nito.

----------

Jane's POV
*******
.
.
Medyo nahirapan akong makalabas ng building kung nasaan ako kanina. Kasi ba naman, parang akong aatakihin kanina nung biglang dumaan si Ryle sa may elevator.

Well, yung itsura nya ngayon? Nagbago na. Dati may pa-side bangs pa sya noong huling kita ko sa kanya. Ngayon? He really looks matured. Para bang naka gel ata buhok nya paitaas. Tapos, kitang kita ko yung perfect jawline nya, his thick eyebrows, and medyo lumaki pa ata yung katawan n'ya. That makes him looked more attractive and seductive.

Chasing Flames [Season 1-2: Complete/Under-revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon