ZAHARA
Monday.
Nandito kami ngayon nila Ynah at Marisha, tambay mode. Busy kasi prof namin sa first subject. Grabe ngang bwesit ko eh. Pumasok lang tapos nagpaalam, nakakaasar talaga! Pero importante naman daw ang gagawin. Hindi naman sila basta hindi nagkaclass kung walang matinding dahilan.
Pero hindi nya ba alam na ilang beses akong nagkadapa-dapa sa bahay dahil sa pagmamadali? Medyo late kasi akong nagising eh.
Nakaupo kami dito sa courtyard ng school, malapit sa gate. Kitang-kita namin lahat ng pumapasok at dumadaan. Ewan ko ba kung bakit dito ko sila inaya.
Grabe, lahat talaga naka-uniform. Ang lilinis tingnan ng lahat, syempre kasama na ako doon.
Gray 'yong kulay ng skirt namin, tapos white na may design ng gray 'yong long sleeves with necktie. Sa lalake naman, gray 'yong pants and white with gray din ang pang-itaas, di lang nga long sleeve pero may tatak sa left side ng logo ng school."Alam nyo, punta na lang kaya tayo ng canteen." Sabi yan ni Ynah.
"Canteen na naman?" Sabay naman naming tanong sa kanya ni Marisha.
Bigla naman akong nagtakip sa mukha ng malaki naming aklat nang makita ko 'yong manyak. Papasok sya ng gate ng makita ko sya. Nag-iisa lang sya.
"Psh! Ang yabang nya talaga." Asar namang sabi ni Marisha.
"Nakalampas na sya beshie."
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni Ynah.
Maya-maya, naglabas ng camera si Ynah, at pinicturan nya kami ng pinicturan. Tawa sya ng tawa kasi ni hindi man lang daw kami ngumingiti, paano kami makakangiti eh grabe 'yong flash ng camera nya.
"Umaga naman hija, baka pwede mong tanggalin yang flash?" Nakataas ang kilay kong sabi sa kanya.
"Ay sige, selfie tayo." Tinanggal nya naman 'yong flash at nagpicture na kami.
Nang mangalay na sila kakangiti, tumigil na. Aba'y buti naman at tumigil na!
8 o'clock na, kaya wala na masyadong dumadating at dumadaan sa gate. Pero 'yong iba, nakatambay din dito sa mga courtyard. Madami kasing tambayan dito, magaganda pa at maaliwalas.
Well, kung natatandaan n'yo pa 'yong pagtambay namin sa place ko, hindi nila sinagot LAHAT ng tanong ko.
Inubos lang nila lahat ng pagkain ko, napakinabangan na nila ako't lahat-lahat, pero ako wala man lang napala!
How unfair is that?!
Mamaya pang 10:30 class namin. Kung tutuusin dapat mamaya pa talaga ako pumasok kung nainform kami ng prof namin. Pero nagcheck naman ng attendance kaya pwede na din. -_-
Makailang saglit pa ng biglang may tumigil na van sa harap ng gate. May bumabang lalake na nakashades. Mukhang bodyguard sya, binuksan nya 'yong van. Tapos, may babaeng bumaba, nakayuko sya kaya hindi ko makita yong mukha nya.
Naka-uniform din sya katulad ng suot namin.
"Gaaad! Is that her?" Medyo pabulong na tanong ni Isha kay Ynah.
Hindi naman sumagot 'yong isa, nakatulala lang.
Nong naglakad na sya, inangat na nya 'yong paningin nya.
What the—
Gorgeous, yan ang unang pumasok sa isip ko, and hot.
Para s'yang dyosa na naglalakad.
Ang kinis ng balat nya.Parang ang sarap hawakan.
Napababa ang tingin ko sa legs nya,
Oh my god! Nasampal ko sarili ko bigla. Pero mahina lang. Ano bang nangyayari sa akin?