CHAPTER 5

3.7K 155 7
                                    


ZAHARA

Nagmamadali akong pumasok sa gate, nagcommute lang ako. Hindi na ako nagpahatid kay Jeff, takang-taka nga sya eh.

Sabi ko na lang baka malate na sya. Di kasi kami same ng way eh. Natatakot kasi ako, baka pasundan sya ni George pag nagkataon.

"Miss! Miss!" Napalingon ako sa sumisigaw.

At hindi nga ako nagkamali, ako nga ang tinatawag.

"May nagpapabigay." Inabot nya sa akin 'yong box na red. Estudyante rin sya dito.

Napatigil ako saglit bago tinanong 'yong lalake.

"Kanino galing?" Napakibit balikat lang sya sabay talikod.

Hindi ko na kinulit, wala rin naman siguro akong mapapala sa kanya. 5 minutes na lang time na.

Nagmadali na ako. Pagpasok ko sa room, tahimik lang kasi hindi naman general ang subject ko ngayon.

Hinanap agad ng mga mata ko 'yong dalawa. Napangiti naman ako at nakita ko sila sa bandang dulo at kumakaway.

"Musta ang date mo kay Mr. Sweetheart mo?" Tanong ni Ynah.

"Ayos naman." Napangiti ako kasi naalala ko 'yong sweet moments namin ni Jeff.

"Wala namang poreber. Enjoy mo lang pagngiti-ngiti mo ngayon." Sabi ni Marisha sabay hagalpak ng tawa.

"Ang bitter nitooooo!" Sabay naming sabi sa kanya ni Ynah.

Napalingon naman ako sa buong class kung nandito si George. Naninigurado lang na hindi ko sya kaklase.

"Good afternoon Ma'am Yuri!" nagsitayuan yong mga kaklase ko kaya napatayo rin ako agad.

Ito 'yong sinasabi nilang masungit daw. Tsk! Mukha naman talaga.
Mga 25 years old pa lang sya at nakasalamin. Laging nakaheels ng pagkataas-taas kahit matangkad naman sya.

"Say present if you are here. Sit down." Mataray nyang sabi sa aming lahat.

Nakaupo kami dito sa bandang dulo, 2nd column ng mga upuan.

Tinawag nya yong mga pangalan namin at talagang nakaready ang lahat.

Nakakatakot kasi sya.
Pero napalingon ako sa tumatawa sa kabilang row ng room.

Parang may pinagbubulungan sila, 'yong friends pala ni Freyo. Pero this time tatlo na sila, wala lang nga si Freyo.

"Jace Herdez, Dart Smith and Joan Castro! What are you laughing at?!"
Medyo pasigaw na tawag sa kanila ni ma'am na syang ikinagulat ko ng sobra. Saulo nya ang name nilang lahat?

Napaigtad pa ako ng di inaasahan sa sobrang gulat dahil inihampas pa ni ma'am Yuri 'yong kamay nya sa desk.

"We're just having a good moment here." Sabi ng babaeng bago sa paningin ko. Blonde hair sya.

"Miss Dart, not inside my class." Galit na sabi sa kanya ni ma'am habang papalapit sa pwesto nila.

"Okay,okay,okay!" Sabi ni blonde girl na Dart yata ang pangalan.
Tumayo sya with matching taas pa ng dalawang kamay at pabagsak na umupo.

Hindi man lang sila takot. Samantalang lahat kami dito halos hindi na gumagalaw.

Pero nabaling ang atensyon naming lahat ng biglang bumukas 'yong pintuan.

Again, napatitig na naman ako sa kanya. I don't know pero si Freyo 'yong tipo na mapapasecond look, third look or whatever kapag nakasalubong mo sya sa kung saan.

FreyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon